The next day came. Maaga kaming nagising pareho ni Hugo dahil may in-expect siyang bisita galing Spain. He's not sure who it is, but his father said it's someone important. Sabi ni Hugo, siguro daw ay isa sa mga kaibigan ng ama niya na bigtime din sa bansa nila.
He prepared the best cabin, na narito. Sinamahan ko siyang maglinis doon. He made sure everything is in its right place while I made sure the rooms are clean. The cabin is the most spacious one. Parang sa sala na ng cabin ko ang laki ng bawat kuwarto at sabi ni Hugo, mas mahal raw ang babayaran kapag dito nag-stay.
We also went to the market to get some food stocks. Makikita mo ang dedikasyon ni Hugo sa pag-aalaga ng mga bisita niya. It took us half the day to get everything done. We then, went to Nanay Ophelia's eatery to have lunch before going to the reception office to wait for the said guest.
Hindi pa dumarating ang bisita nang makarating kami kaya naupo kami sa isa mga bench doon. We took selfies on my phone using different filters, at panay ang pag-wacky pose niya kaya tawang-tawa ako. Pagkatapos, tinanggal namin ang nakalagay na filters at pinindot ko ang capture. Tiningnan ko ang picture, nakangiti ako roon at gan'on din siya. Ang pagkakaiba lang, nakatingin ako nang diretso sa camera at siya nama'y nakatitig sa akin.
"Hugo? Is that you?" a voice called.
Sabay kaming lumingon sa pinanggalingan ng boses. May isang magandang babaeng nakatayo at may hinihila siyang maleta.
"Devon!" Hugo blurted and stood up. Mabilis siyang tumayo at lumapit sa babae at sinalubong naman siya ng yakap nito. Mga ilang segundo rin silang nagyakapan.
"I miss you, Hugo!" the woman he called Devon earlier, said.
"Oh God, I missed you too. How are you? It's been so long, Devon."
Sa isang iglap, parang naging hangin lang ako kay Hugo. Habang tinitingnan ko siya, kitang-kita ko ang kislap sa mga mata niya. His excited smile, his hands on her shoulders, the way they looked at each other. Tumikhim ako para kuhanin ang atensiyon nilang dalawa, at mabuti na lang tumingin sila kaagad sa akin.
"Hi," bati ko.
"Oh, I forgot," Hugo blurted, and pulled Devon towards me. "Devon, this is Kassandra. She's my friend."
Friend? But I thought... I'm someone special.
Itinuloy niya ang sinasabi niya. "Kassandra, this is Devon. She's my–"
"Long time girlfriend," pagtutuloy ni Devon sa sasabihin sana ni Hugo.
I was beyond shocked. Umawang pa ang labi ko at bigla akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib ko. Those words... they're excruciating.
"Don't joke like that. We already broke up a long time ago," suway ni Hugo. "She's my ex-girlfriend, but we're on good terms."
Somehow, nakahinga ako. But then again, I secretly examined her. She has a fair skin, maybe a few inches taller than me, I can see her perfect curves, her lips are fuller, eyelashes longer, it seems like everything about her is better than me. Ganito kaganda ang ex-girlfriend ni Hugo, bigla akong nanliit sa sarili ko.
"Let's get you to your cabin," Hugo said, making me stop daydreaming. Sabay pa silang tumalikod sa akin at si Hugo na ang nagbuhat ng mga maleta niya. "Kassandra, let's go."
They were laughing and speaking in spanish. I felt out of place. "Huwag na. Mauna na ako sa cabin. Sunod ka na lang, okay ba 'yon?"
Hugo turned to me. "Why? Something wrong?"
"Wala. Napagod kasi ako sa paglilinis kanina." I lied.
Tumango lang siya at umalis kasama ni Devon. Although they're a but far from where I stand, I can see how touchy Devon is. Tahimik akong bumalik sa cabin. Dumiretso ako sa banyo at hinubad lahat ng suot kong damit maliban sa panloob. Napatitig ako sa sarili kong katawan sa harap ng malaking salamin.
Flat chest, skinny thighs, even my face looks kinda bony. To be fair, I do have a proud nose, masasabi ko ring maganda ang mga mata ko at bumagay sa mukha ko ang mga labi ko, pero kung ikukumpara ako kay Devon, walang-wala ako. Looking at them a while ago, I realized they look good together.
And he introduced me as a friend. Alam ko namang wala kaming relasiyon, pero para sa akin kasi ay may nararamdaman kami sa isa't isa. He just said friend as if we're normal friends na walang ginagawa. Hindi rin siya nangulit na isama ako. Kung dati, halos hindi niya ako maiwan kahit ilang segundo lang, pero ngayon ay hinayaan niya akong umuwi mag-isa.
I stood under the shower head as I hugged myself. Nang dumaloy ang tubig sa katawan ko, sumabay ang mga luha kong nag-unahan sa pagpatak. Tahimik lang akong humihikbi roon. Sa hindi ko malamang dahilan, ang pagdating ni Devon dito ay hindi magandang kaganapan. Somehow, I'm threatened. The way they talked, laughed and looked at each other. Posible kayang may nararamdaman pa sila sa isa‘t isa?
Hindi ko na alam kung gaano katagal kong naroon sa banyo. Pagkatapos kong maligo at nagpalit, nag-ayos na ako ng mga gamit namin sa kuwarto. Bigla akong napabaling sa maleta ko. I heaved a deep sigh.
Dumating naman si Hugo na may malaking ngiti sa mukha. Basang-basa ang pantalon niya at tumatawa pa. Wala rin siyang suot na pang-itaas. Sinalubong ko siya ng tuwalya para punasan siya, pero nakasunod sa kaniya si Devon na suot ang puting tee-shirt niya kanina. Dahil medyo basa rin ang katawan niya, bakat ang suot niyang panloob. A very sexy bikini.
"Kass, please get her a towel."
"Wala na tayong towel. Marumi silang lahat," halos pataray nang sagot ko.
I mean, her cabin is very luxurious compared to mine. Bakit dito pa pumunta 'yang Devon na 'yan? And I expected Hugo to send her back to her cabin, but instead, he handed her the towel and even wrapped it around her body. They both giggled at his gesture.
"Hugo, what do you want for dinner? Ipagluluto kita," pilit kong pagkuha sa atensiyon niya.
"Dinner? I thought we're having dinner outside?" Devon interrupted.
"Yes, we are." Hugo turned to me. "Sa labas tayo kakain, and we'll head out to you know, have some fun tonight."
"Oh, okay. Mag-ingat kayo."
Hugo raised his eyebrow. "Aren't you coming with us?"
"No. I'll just stay here. Hihintayin na lang kitang makauwi."
Tumango siya at ngumiti sa akin.
"Hugo, come on! The weather is perfect for scuba diving!" Devon said and tugged Hugo's arm.
Bago magpahila sa kaniya si Hugo, hinalikan niya ako sa pisngi. Narinig ko ang kunwaring pagduwal ni Devon at may nag-usap pa sila sa salitang espanyol saka sabay na tumawa nang malakas. Wala naman na akong nagawa kung hindi panoorin silang umalis. Hindi rin ako puwedeng sumama dahil hindi ko kaya ang mga activities gaya ng scuba diving. He told me that he and his ex-girlfriend are both fond of the great outdoors.
I just waited for him to get home. I cooked instant noodles and had coffee with it. I also browsed on some magazines and watched movies. Several hours later, the whole beach was quiet. Karamihan ng mga establishment ay sarado na at tanging mga nagpapatrol na lang ang nasa beach. Kinuha ko ang jacket ko at palabas na sana nang makasalubong ko si Jomar, isa sa mga tour guide.
"Ma'am, gabi na po. Saan kayo pupunta?" he asked.
"Hahanapin ko si Hugo," I answered.
"Ay, ihahatid lang daw 'yong bisita niya sa cabin, Ma'am."
"Gan'on ba?"
"Opo, kaya huwag na po kayong lumabas, Ma'am."
"Sige, salamat."
I went back inside and waited form him. Three hours passed, there is no sign of him. I waited and waited, I wrapped myself in a comfortable blanket in the sofa and liad down there. But I waited all night long, and Hugo never came.
I told myself, I'd stay here. I'll choose him over anything, but one person is all it took, and he totally neglected me. I'm not sure if I want to stay with Hugo anymore. Realizations hit me. Kassandra Alejandrino, doesn't belong in Isla De Fuego.
BINABASA MO ANG
Isla Del Fuego (Alejandrino Trilogy 2)
General FictionKassandra Alejandrino 12.13.22 After suffering from physical abuse in the hands of her ex-boyfriend, Kassandra Alejandrino was left with a broken soul and a traumatized heart. Ever since then, she caged her heart and never dared to love again. Enter...