Kakatapos ko lang mag-impake ulit ng mga gamit ko. Napatingin ako sa sarili ko sa salamin at namumula pa rin ang mga mata ko. Umalis ako kaagad nang makita kong maghalikan si Devon at Hugo. Hindi na ako nakatulog dahil halos buong gabi ako umiyak. Kaninang madaling-araw ay nasabihan ko na si Jackson na sunduin ako rito ngayon. Mabuti na lang at pumayag siya kaagad.
Hinihintay ko na lang siyang dumating at aalis na ako. I'm so exhausted, mentally and emotionally. Sumasakit din ang ulo ko dahil wala akong sapat na tulog. Binilisan kong maligo at magpalit ng damit. Naupo ako katabi ng mga maleta ko at tahimik na humikbi. Paulit-ulit na bumabalik sa akin ang mga nakita ko kagabi. Kitang-kita ko kung paano maglapat ang mga labi nila. Para akong nanonood ng isang romantic scene sa telebisyon.
Gusto kong isiping panaginip lang 'yon, pero walang panaginip ang ganito kasakit. Kung iisipin ng mabuti, ilang araw pa lang ako rito ay pumoporma na si Hugo sa akin. Bakit pa ba ako magtataka na sa loob lang ng isang linggo ay makikipaghalikan na siya kay Devon. After all, she's his one and only ex-girlfriend. She's with him way before I met him. And I know, once in his life, Devon was his everything.
Hindi ko namalayang umiiyak na naman pala ako ulit. Pinunasan ko ang mga luha ko. Wala na akong ibang ginawa kung hindi umiyak. I wasn't like this before. Naging matatag naman ako dati, bakit hahayaan ko ang mga bagay na ito ang sisira sa akin? This is nothing compared to what happened before. Palagi na lang... Tuwing magmamahal ako, lahat nagtatapos sa iisang bagay. I always end up getting hurt, crying, but this time, I won't break. Maaaring nasaktan ako, pero hinding-hindi na ako mawawasak kagaya ng dati.
In the midst of my crying, I heard a knock on the door. I was hesitant to open it at first, but I heard Jackson's voice. Sa wakas nakarating na rin siya. Nang buksan ko ang pinto, bumungad sa akin ang walang emosyong itsura niya.
"What happened, Ate?" tanong niya.
"Nothing. Tulungan mo ako sa mga maleta ko."
Dumiretso na siyang pumasok sa loob. Akala ko ay hindi na siya magtatanong ulit, pero nagsalita siya. "Kuya Kasper said he called you last night. Okay ka naman daw. Nagtataka rin siya bakit biglaan ang pag-uwi mo."
"Hindi ba puwedeng na-miss ko kayo?"
"Hala, kadiri! Yuck!"
Kulang na lang ay batukan ko na siya. "Ang dami mong arte. Gusto ko na lang talagang bumalik at magtrabaho ulit."
"Psh, pati nga si Alonso, nagulat nang sabihin kong aalis ka na."
"What?" I yelled. "Bakit mo naman sinabi sa kaniya?"
"Well, I should at least tell him that his special guest is leaving."
"But I'm not his special guest, Jack. Dapat hindi mo na sinabi pa. Wala namang mababago kung aalis."
"At wala ring mababago kung sasabihin natin."
Palibhasa kasi ay wala silang alam sa mga nangyari sa akin dito, pero tama rin siya. Walang mababago dahil kay Devon na ang atensiyon niya ngayon. Bakit ko pa ba ito iniisip? Sinasaktan ko lang ang sarili ko.
Parang nagkataon lang, narinig ko ang boses ni Hugo na tinatawag ang pangalan ko. I assumed it was my mind playing tricks on me, but Jackson was staring. Hindi na ako lumingon at tuloy-tuloy akong naglakad, nang biglang may humila sa akin. Napilitan akong humarap sa kaniya, at nagtagpo ang mga mata namin.
"You're leaving without telling me?" tanong niya, may kakaiba sa boses niya
"Hindi mo naman na kailangang malaman ang mga nangyayari sa buhay ko, 'di ba?"
"You can't leave."
"May nangyari bang hindi ko alam?" sabad ni Jackson sa usapan namin.
"Jack, mauna ka na. May lilinawin lang ako kay Hugo." Parang ayaw pa ni Jackson, pero kalauna'y umalis din. Humarap naman ako kay Hugo. "Aalis ako kung kailan ko gusto."
"No! You're staying here. Ibalik mo ang mga gamit mo." Hinila niya ako sa may pulsuhan nang sobrang higpit at halos makaladkad na ako nang maglakad siya.
"Six months. Six months ang nasa usapan, bakit aalis ka na? You can't just leave! That's not a part of the agreement?"
"Fuck that agreement, Hugo! Kung gusto mo, bayaran ko ang lahat ng nagastos ko rito, e' 'di sige! Ayaw ko nang manatili pa rito dahil puro pasakit lang ang nangyayari sa akin!"
"I never hurt you! Ano bang sinasabi mo?"
I slapped him. "Wala kang ibang ginawa kung hindi ang saktan ako. I was living a simple life, and then you barged in. Ipinaalala mo sa akin ang mga masasakit na narasanan ko noon. I had to relive those painful moments because of you. And then you made me feel special, fed me sugary words, just to leave me hanging. Ngayon mo sabihing hindi mo ako sinaktan!"
"No, I didn't... I love you. I could never hurt you."
"You already did. You're making me hate love again."
"I didn't leave you hanging. I gave you time for yourself. Akala ko makakapag-isip-isip ka kapag lumayo ako."
"Lumayo? O para mas mapalapit kay Devon?"
He massaged his nape. "Bakit napasok dito si Devon? This is between us. Problema natin 'to, kaya tayo ang may kinalaman."
"Alam mo kung ano ang problema? Walang tayo, Hugo."
Hinawakan niya ang kamay ko. "We can fix this. Just please, stay."
My lips quivered and my breath hitched. "I– I can't, and I don't want to."
Lumapit siya at ipinaglapat ang mga noo namin, magkadikit ang mga ilong namin at napapikit ako. "What happened to staying here? What went wrong, Kass? Tell me so we could fix it."
Nanatiling nakapikit ang mga mata ko. "Us, Hugo. WE, went wrong. I couldn't stay here, kasi nangako akong hindi ko na hahayaang masaktan ang sarili ko. I wish I can break that promise for you, but I can't risk myself again."
Naramdaman ko ang paghila niya sa beywang ko at dikit na dikit na talaga ang mga katawan namin. May basang likido na tumulo sa pisngi ko at narinig ko na lang ang malalim na paghinga niya. Nanginginig rin siya at mas lalo akong nanghina roon.
"Kassandra," he whispered my name as if it's something very vulnerable. "I love you."
"I'm sorry, but love can no longer make me stay. And if you really love me, then why kiss Devon?"
Naglakas loob akong salubungin ang titig niya. Nakarehistro pa rin ang gulat sa ekspresyon niya. Hindi niya siguro inaasahan ang tanong ko.
"I'm sorry," he whispered.
Doon na ako tuluyang lumayo sa kaniya. Sa huling pagkakataon, tinitigan ko siya at nginitian. "Salamat sa mga panahong nakasama kita. Kahit papa'no, sumaya ako rito. Bye, Hugo."
"Thank you for coming here." His voice was shaking. I expected him to say, "I hope you come back," dahil iyon ang lagi nilang sinasabi pero hindi iyon ang sinabi niya. "Please, come back. I'll be waiting."
That's it. I lost it. Napatakip ako sa bibig ko at tahimik na humikbi habang naglalakad papalayo. That day, I left my love in Isla De Fuego.
BINABASA MO ANG
Isla Del Fuego (Alejandrino Trilogy 2)
General FictionKassandra Alejandrino 12.13.22 After suffering from physical abuse in the hands of her ex-boyfriend, Kassandra Alejandrino was left with a broken soul and a traumatized heart. Ever since then, she caged her heart and never dared to love again. Enter...