22

915 23 0
                                    

Three months of going back and forth to the therapist, I think I'm getting better. A day before Hugo left, we agreed not to talk to each other for the mean time. Sa tatlong buwan kong nagpapabalik-balik halos araw-araw sa therapist ko, natanggap at napalaya ko na rin ang sarili ko sa masakit na nakaraan ko. Naging madali rin ang pag-move on ko dahil may dahilan na ako para ayusin ang sarili ko. Nalaman din ng mga magulang ang lahat dahil sinabi ko. Sinuportahan nila ako at sinamahan sa pagpapagaling ko.

Hindi ko namalayang buwan na pala ang lumipas na hindi ko nakakausap si Hugo. I miss him so much. I want to hug him as soon as possible. Ngayon, hinahanda ko na ang mga dadalhin ko pabalik sa isla. Nakausap ko na ang mga magulang ko at sinabi nilang susunod daw sila upang makilala si Hugo. Kahit matagal kaming hindi nag-usap, alam kong matutuwa siya kapag nakita niya ako. Isa iyon sa mga bagay na natutunan ko, ang magtiwala kay Hugo at sa pagmamahal niya sa akin.

"Sandra, are you ready?" It's Delancy who asked that.

I'm going back tomorrow and we decided to have some bonding before I leave. We're going shopping. Nakakatuwa dahil masaya rin siya kasama si Kasper.

"Be right there," I replied.

I checked everything in my bag before I followed her. Nadatnan ko sila ni Kasper na nag-uusap sa labas. Parang may binubulong si Kasper sa kaniya at panay ang tawa niya.

"Tumigil ka nga! Ang landi mo talaga!" natatawang suway ni Delancy sa kapatid ko.

"Bawal ang maglandian dito sa teritoryo ko," I joked.

"Tsk, bitter!" Kasper replied. "I'll be going ahead. Pakihatid na lang mamaya si Delancy sa condo?"

I nodded. "Bye, take care."

Sumaludo pa siya sa amin. "Bye, ladies!"

Delancy and I giggled as we made our way to my car. Ito ang sinakyan namin papunta sa mall. Since I'm going back, Delancy suggested that I should buy some bikinis for myself. We headed to the boutique selling those. Habang tinitingnan namin ang mga naka-display, hindi ko maiwasang kumustahin ang relasiyon ni Delancy at Kasper.

She said, "Okay naman. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang boyfriend ko na ang kapatid mo."

"Parang dati lang crush mo pa siya, no?"

"Sandra, huwag mo nang ipaalala. Nakakahiya ang mga panahong baliw na baliw ako sa gagong 'yon kahit papalit-palit siya ng babae. Ang importante, masaya na kami ngayon."

"Wow. I can't wait to be happy with my man," I whispered.

"Alam mo, may sikreto akong sasabihin sa 'yo para mas maging masaya kayo pagdating mo roon."

"Really? What is it?"

She leaned to my ear. "A healthy sex life makes a healthy relationship."

"Delancy!" I can't believe she said that! Nahawa na siya sa kahalayan ng kapatid ko.

"C'mon, Sandra! It's not like we're teenagers. Normal na sa atin ang ganiyan."

It took me a while to process what she said. "Do you think, kapag masaya ang sex life namin, mas sasaya kami?"

"Proven and tested. Tingnan mo kami ni Kasper, halos inaaraw-araw namin."

"Oh my gosh! Ang halay ng bunganga mo!"

Tatawa-tawa siya kaya hindi ko na siya pinansin. Pagkatapos naming mabili ang ilang set ng swimsuits at bikinis, kinaladkad kaagad ako ni Delancy palabas sa boutique na iyon at papasok sa isang hindi ko pa napupuntahan. I suddenly felt embarrassed as I look around.

Isla Del Fuego (Alejandrino Trilogy 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon