10

965 25 0
                                    

I woke up with Hugo staring intensely at me. Mukhang alalang-alala siya sa nangyari sa akin. Kahit natutuwa akong nag-aalala siya, mas nangingibabaw ang inis ko. I told him I didn't want to swim, but he still did it. He just invalidated my feelings. Mabilis akong tumayo, kahit na medyo nahilo ako, pinilit ko pa ring lumabas sa kuwartong kinalalagyan ko na ang hinuha ko ay clinic.

"Kass-" I didn't let him finish. I stormed my way out of the room. Paulit-ulit niyang tinatawag ang pangalan ko, pero masama ang loob ko para pansinin siya.

Nagre-replay rin sa utak ko ang mga nangyari sampong taon na ang nakararaan. Everything that happened many years ago, they all keep coming back no matter how hard I try to push them to the back of my head. Denver, his words, how we hurt me, how I almost died because he almost drowned me to my death.

"Let me apologize, please." Hugo grabbed my hand. I pushed him away and turned my back on him, again.

Gusto kong lumayo, pero nanlalabo na naman ang paningin ko. Sa pagkakataong ito, hindi na dahil sa takot, pero dahil sa sobrang sama ng loob na nararamdaman ko. Nag-unahan nang tumulo ang mga luha ko, at napahawak ako sa dibdib ko dahil parang hindi ko kakayanin ang sakit. I felt him hug me from behind.

"I'm so sorry, Kassandra. I didn't mean it to go that far. I'm sorry, forgive me. Hindi ko na uulitin."

I turned around and forcefully pushed him. "Talagang hindi na! Hugo, I told you naman, ‘di ba? I hate the deep! I hate the sea, pero binalewala mo ang mga sinabi ko sa 'yo! Gusto mo kasing ipilit kung ano ang gusto mo!"

"Sorry–"

"At ano naman ang magagawa ng sorry mo, ha? Damn you, Hugo!" Nakita ko ang ibang taong napatingin sa direksyon namin kaya kinailangan kong pakalmahin ang sarili ko. Naupo ako sa buhangin at napayakap sa sariling tuhod ko. "For years. I've been pushing everything away for the past fifteen years, Hugo. And you just pulled the trigger. Thank you for opening my wounds again."

I pushed myself to stand up and was about to walk away when he held my hand. "I'm so, very, very sorry, Kassandra."

Sinampal ko siya nang malakas. "Walang magagawa 'yang sorry mo."

Mukhang napalakas ang sampal ko dahil hinawakan pa niya ang pisngi niya. Salubong ang kilay niyang tumingin sa akin. "Well, of you just told me na may trauma ka at hindi ka na nagpaka-mysterious, eh, ‘di sana hindi na ako nagpumilit."

"You saw me crying, Hugo! I was screaming for your help, but you told me it's okay. Well, it's not! Hindi man ako nalunod sa dagat, pero nilunod mo ako sa mga ala-alang pilit kong tinatakasan."

"Kass–"

"Why do you have to always meddle with my life?! Sino ka ba sa tingin mo?!"

He was taken aback. He stared at me, dumbfounded. Bumuka ang bibig niya pero walang lumabas na salita galing doon. May bumalatay sa sakit sa ekspresyon niya, pero napalitan iyon ng isang malungkot na ngiti.

"You're right. Who am I? You can't even trust me with yourself." Umatras siya. "I'm sorry, Ma'am, for being an unprofessional tour guide. I believe you want time to yourself, I'll be leaving you alone this time. You can request a new tour guide if you want. Again, I'm sorry, Madam."

He turned his back on me and walked away. It looks like I went too far this time. Nasaktan ko ba siya sa sinabi ko? Pero wala namang nakakasakit sa mga sinabi ko. Huminga ako nang malalim at hinayaan na siya. I went back to my cabin.

Nandoon na 'yong mga dinala kong gamit. Siguro ay pinunta na ni Hugo kanina rito habang wala akong malay. I threw myself in bed and stared into thin air. Naramdaman ko na lang na tumutulo na naman ang mga luha ko.

Kinaya ko namang maging maayos ang mga sarili ko tungkol sa mga nangyari noon sa akin, pero bakit hanggang ngayon sobrang sakit pa rin. They say time heals all wounds, then why isn't mine healing? How much longer does it take for me to heal?

I covered my face with both my hands and started sobbing. I need to let all this out before I face Hugo again. Kailangan ko ring mag-sorry dahil sa nangyari kanina. Sa kaiiyak ko, hindi ko na namalayang doon na ako nakatulog.

TWO DAYS had passed since then. Ni anino ni Hugo dito sa isla ay hindi ko mahagilap. Tuwing tinatanong ko ang mga kakilala niya rito, sinasabi nilang baka umuwi raw siya. Doon na talaga ako nagsimulang mag-alala. Sa Spain ba siya umuwi? Umalis na ba siya? Did he... leave me?

Narito ako ngayon sa may dalampasigan. I'm just enjoying the view of the cloudy sky just above the sea. Pero may isang kakaibang bagay na nakita ko sa dagat, at palapit ito nang palapit. It's a yacht and as it got closer, I realized, naroon si Hugo.

Hinintay ko siya hanggang tuluyan sjyang makababa. He's expressionless face somehow sent unfamiliar vibes to me. May dala siyang travel bag at diretso lang ang lakad niya. Nang makalapit siya sa akin, tinawag ko na siya kaagad dahil sa takot na hindi niya ako pansinin.

"Yes, Ma'am Kassandra?" he asked, his voice is flat.

"May gusto sana akong sabihin sa 'yo."

"What is it?"

"Sorry sa nangyari–"

"I should be the one saying sorry. I was unprofessional and it's all on me." He smiled, and even his smile is emotionless.

"Hugo, please don't treat me like this."

"I'm just being professional, Ma'am. I'm your personal tour guide, and it's my duty to keep you safe within the island's vicinity."

I plunged myself to him and hugged his body. I hugged him tight and leaned my head on his shoulder. "I'm sorry, Hugo. Please bumalik na tayo sa dati."

"Ma'am–"

"Please? Hindi ko gusto ang ganitong trato mo sa akin. I want my playful Hugo, not your people's professional Alonso. Sorry na kasi." My voice cracked.

I just felt his arm around my waist. He buried his face on my neck and kissed my hair. "Sorry din. May kasalanan din ako kaya hihingi rin ako ng tawad."

Nang kumalas siya sa yakap, tumitig ako sa mga mata niya. "I'm ready, Hugo. For the truth."

"Ready for the truth? What do you mean?"

"I'm ready to tell you what really happened. Promise me you won't hate me?"

"Are you really ready?"

Tumango ako. "Oo, basta huwag mo akong iwan. Ayaw kong mawala sa akin ang taong gusto ko."

Isla Del Fuego (Alejandrino Trilogy 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon