23

1K 22 0
                                    

"I'm glad you came back," Hugo said as he helped me board his yacht.

"Babalik naman talaga ako. I'm sorry it took a while, ha? And thank you for waiting, kahit hindi tayo nag-uusap noon."

"You seriously don't have to say sorry. Iuuwi na kita ngayon sa bahay ko kaya huwag mo nang problemahin ang mga 'yan."

"Oo nga pala, susunod ang Mommy at Daddy ko rito after two days. Gusto ka raw nilang makilala, okay lang?"

"That would be great! My Dad's arriving tomorrow, and I think this is a great opportunity to have a family dinner? Ipakilala natin ang isa't isa sa mga magulang natin, 'di ba? Pero nakuwento na kita kay Dad."

"Talaga? Alam ng Dad mo ang tungkol sa atin? Ano'ng sabi niya?"

Ngumiti siya. "He said he's happy, pero gusto niya raw ng apo."

I suddenly felt uneasy. Hindi naman ako natatakot at gusto ko na rin ng anak. Nahiya lang ako dahil naalala ko ang mga pinagsasabi sa akin ni Delancy para daw makabuo kami kaagad ng anak ni Hugo.

"Uhm, babe?" I called.

Nanlalaki ang mga mata niyang tumingin sa akin at parang pinipigilan ang ngiti niya. "What did you call me?"

"Babe?"

"Babe?"

"Babe."

"Fuck!" Natatawang pinanood ko siya na ngumiti mag-isa. Naglakad siya palayo pagkatapos ay lumapit ulit sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Babe. Damn, babe!"

Tuluyan na akong humagalpak sa tawa nang dahil sa inasta niya. "Akala ko ayaw mo sa nagmumura? Bakit sunod-sunod ka?"

"Sorry- it's just... Wow! You called me babe!"

"Boyfriend naman kita, 'di ba?"

He's speechless but was grinning like a madman. He lunged at me and hugged me, pagkatapos kumalas ay tumitig siya sa akin. He tilted his head back, still grinning. "God, my girlfriend is beautiful!"

Doon ko na siya tinulak. "Overacting ka naman. Paandarin mo na 'to para makapunta na tayo sa bahay mo sa kabilang isla."

Sumaludo pa siya bago nagpaalam. May isang reclining chair doon. I sat there and tiredness kicked into my system. I suddenly felt sleepy so I relaxed myself and closed my eyes.

PAKIRAMDAM ko ay umangat ako mula sa kinahihigaan ko. Nagmulat ako ng mga mata at buhat na ako ni Hugo. Madilim at tahimik na rin ang paligid.

"We're here," he said. Napansin niya sigurong nagising na ako dahil na rin kumapit ako sa leeg niya.

"Nasaan ang bahay mo?" I asked.

"Just behind these coconut trees. Hindi makita dahil hindi nakasindi ang ilaw."

Nang makarating kami sa tuyong buhangin, ibinaba na niya ako. Binalikan pa niya sa yate ang isang traveling bag na dala ko bago kami naglakad patungo sa bahay niya. He used his phone's flashlight to light our way.

True enough, may malaking bahay na nakatayo sa likod ng maraming puno ng niyog. Madalim sa loob n'on, pero nang buksan na ni Hugo ang ilaw ay namangha ako. Gawa sa mamahaling kahoy ang mga kagamitan niya at karamihan ng mga dispaly ay antique. May malaking painting rin sa wall. Siguro siya iyong binatilyo roon at magulang niya ang dalawa. Kamukha niya kasi ang matandang lalaki at medyo kahawig ang babae.

"Family portrait 'yan. Ang ganda ng Mom ko, right?"

Tumango ako. "And you look like your Dad."

"Yeah. Maganda kung family portrait natin ang ipapalit diyan someday."

Isla Del Fuego (Alejandrino Trilogy 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon