Chapter Two
A knock on the door made her stop herself from sketching. Kalaunan ay bumukas ang pinto at sumilip si Kirsten.
"I'm not finished here, Kirsten." Aniya at sinulyapan lang ng mabilis ang likod nya.
"Meryenda po?"
"Not hungry." She said with a dismissed tone.
Narinig nyang sumara ang pinto kaya pinagpatuloy nya nalang ang ginagawa. Kinuha ni Canderick ang cellphone nya dahil sa ginawa nya kahapon. Inabot nalang nya para wala nang mahabang seremonyas. At ngayon, maghapon na syang nakatutuk sa sketch pad nya. Nawala sya sa momentum magswimming.
Galit din si Zero sa kanya nang sabihan nyang OA. Well, technically oa naman talaga.
Maya maya pa ay nakaramdam sya ng ngalay kaya binitawan na nya ang sketch pad at inayos ang pagkakapuyod ng buhok nya. Lumabas sya at sinilip ang sala. She saw Kirsten, napatayo ito agad ng makita sya.
"Miss Rei."
"Timpla lang akong kape." Lumihis sya sa kusina.
"Miss, tumawag po ang Papa nyo. He's asking po kung ayos naman kayo."
"Sabihin mo bored na ako." Aniya.
Bumuntong hininga si Kirsten at lapit sa kanya.
"Nagluto po si Canderick ng sopas. Lagyan ko po kayo."
Umupo sya sa high stool at pinanuod si Kirsten. Sumimsim sya sa kape ng ilapag ni Kirsten ang bowl.
"Wag kayo mag alala miss, naayos ko na po iyong sa online transaction nyo po."
"Okay." Aniya sabay simula sa pagkain.
Ngumuso pa sya kasi masarap ang pagkakaluto ni Canderick. Pero asa pang sasabihin nya iyon.
"Sa sala lang po ako kung may kailangan kayo."
Rei just nodded. She focused on eating, dalawang araw palang sya dito pero namimiss na nya ang buhay sa siyudad. Oo nga't nakakahalina ang bawat tunog ng alon pero...iba pa din ang nakasanayan nyang buhay.
She's adjusting, but she really can't help to feel bored.
Hinugasan na nya ang kinainan nya at dinala ang mug sa sala. Kirsten is outside, and seems like she's talking to Canderick. Rei never really thought that her life will be like this! Dati aware sya sa mga death threats because of Zero.
Dahan dahan syang umupo sa sofa at tinaas ang mga paa doon. Rei was enjoying her cup of coffee when suddenly she met Canderick eyes. Muntik na syang masamid.
Pamilyar sa kanya ang lalaki, pero sa dami ng nakahalubilo nya, imposibleng isa sa mga naka-fling nya ito. He's too cold to entertain her at isa pa, ang tipid nito magsalita. Boring.
Hindi nya makita si Kirsten kinagabihan, gusto nya lang maglakad lakad sa paligid. Safe naman na siguro?
"San ka?"
Her steps halted upon hearing those deep baritone voice behind her. Pumihit sya paharap dito.
"Magpapahangin lang."
"Wag kang lumayo."
Lumakad na sya at napansin ang mga small booths doon na may mag tinitindang shells na kwintas, singsing at kung ano ano pa.
"Mas mabuti siguro na sa isla verde nalang ako. Mas alam ko pa ang mga daan doon kesa dito."
She looked around, trying to catch a glimpse of Canderick. Nakatayo ito hindi kalayuan sa kanya.
BINABASA MO ANG
Island Series: Rei Miller
General FictionWhen Rei wanted to have a peaceful life without complications, but her family background made it happen. Never had knew that her family had some 'other business' and because of that her life went in danger and she had to stop her career for the mean...