Chapter Twenty Four
"What happened?" Iyon ang bungad ni Rei kina Pepper. "Oh my god."
"He's stable, buti at nakatalon agad sya sa sasakyan bago tuluyang tumilapon." Sean answered.
"Wala namang ibang nangyari sa kanya?"
Bumukas ang pinto sa likod nya. For sure Canderick went inside.
"Wala na." Sagot ni Sean uli.
"Any leads?" Canderick's deep baritone voice asked.
"Either isa sa mga kaaway nya sa korte, or Harvy."
"Probably, it's Harvy."
"Okay na? Saan galing iyong drug na nainom nya?"
"Sa kape na binigay sa kanya ng assistant nya. Pina iimbestigahan na namin."
Ngumuso si Rei habang nakatingin sa itsura ni Zero. Akala nya sanay na syang nakikitang ganito ang kapatid pero tinutubuan pa din sya ng kaba.
"Kami na bahala dito, Rei. You should take a rest."
"Pepper, ikaw dapat ang nagpapahinga na." Baling nya kay Pepper.
"Kayong dalawa ang umuwi na. Masamang damo si Zero, hindi agad mawawala sa mundo." Allen smirked.
Canderick presented to take them home. Nakapikit na si Pepper sa likod ng sasakyan. Nauna na ding umuwi si Ellie kanina pagkababa sa kanya sa hospital at magkikita nalang sila bukas ng hapon.
"Rei."
"Kapag nakita ko si Harvy, ako mismo ang babaril sa kanya."
"Then be my guest. Want me to order a best gun for you?" Canderick licked his lower lip. "Iba ang dali ni Harvy para sa mga dapat nyang dispatsyahin."
"Akala ko ba matatalino kayo sa ganito?"
"He's like a shadow, Rei."
Binaba nila sa mansion nina Zero si Pepper, saglit pa syang nag alala pero nang makita ang mga tauhan ay hinayaan na nya ang babae. Sunod ay sa parking lot ng condo huminto si Canderick.
"Pwede ka ng umuwi."
"I'll stay here."
"Ano?" Naputol ang sasabihin nya nang makita na may dala itong duffle bag at isang laptop bag. "Canderick hindi pwede."
Hindi sya nito pinansin at nauna pa sa kanyang pumasok sa elevator. She rolled her eyes. Pagkapasok nila sa unit nya, natawa ito dahil kumulo ang tiyan nya.
"Want me to cook dinner?"
"Gusto ko, umalis ka na." Humalukiphip pa sya.
Canderick made himself comfortable on the sofa. Naiinis na napapadyak sya papasok sa kwarto nya. Naligo at nagsuot sya ng maayos na damit.
Abala ito sa labas ng madatnan nya, seems like he's editing the pictures from the earlier photo shoot. May nagdoorbell, sabay silang napatingin doon.
"I order food."
Dalawang box ng pizza iyon at chicken.
"Umupo ka na, Rei."
Tahimik syang naupo at sinilip ang monitor, ayos na ang lahat ng pictures nya doon.
"I edit some lightnings."
"Is this your profession? Akala ko ba bodyguard ka?"
"I used to work bodyguard before, pero nakapag aral at naging photographer." He saved all the files. "Check mo, baka may gusto ka pang pa-enhance?"
BINABASA MO ANG
Island Series: Rei Miller
General FictionWhen Rei wanted to have a peaceful life without complications, but her family background made it happen. Never had knew that her family had some 'other business' and because of that her life went in danger and she had to stop her career for the mean...