Chapter Ten

285 14 0
                                    

Chapter Ten

Mariing nakatitig si Rei kay Canderick na nag wowork out. Kagabi nya pa iniisip kung paano nya makakausap si Harvy. She wanted to ask something and her curiosity is killing her!

"What you were thinking?"

"Ha?"

Huminto si Canderick at sinilip sya. She licked her lips.

"Ayos ka lang ba?"

Sunod sunod syang napakurap. "A-ano... Bakit?"

"Kanina ka pa nakatitig?"

Umismid sya. "Napatitig lang."

Tinanguhan ni Canderick ang kusina sa kanya.

"Nagyoyoga ako! Wag kang magulo."

Ngumisi si Canderick at naiiling na pinunasan ang sarili ng pawis. Hindi sya nakatulog kagabi kakaisip kay Harvy. Kung ang Harvy na nakausap nya at ang Harvy na tinutukoy ni Allen ay iisa, kailangan nyang malaman kung bakit?

Huminga sya ng malalim bago nya naramdaman ang paghawak ni Canderick sa paa nya.

"Ayusin mo,"

"I know what I'm doing!"

"You sure?"

Sinipa nya ito. "Yes, alis jan."

Nanahimik si Canderick kaya pinagpatuloy nya ang ginagawa nya. Nang umayos sya ng pwesto, nagulat sya nang makitang pinapanuod sya nito.

"What is your problem?"

Dumiretso ang mata ni Canderick sa kanya. "Masama na ba manuod?"

"You'll get horny."

Biglang nasamid si Canderick kaya natawa si Rei. Inayos nya ang yoga mat nya at tumayo, patuya nya pang tinagilid ang ulo nya kay Canderick.

"Tama ba?"

Marahang tinapik ni Canderick ang braso ni Rei at ngumisi. Nilampasan nya ito at nagtungo sa kusina. Umirap naman sa hangin si Rei at sumunod.

"Tumawag na ba si Zero?"

"Kagabi."

"For sure he's busy with Pepper."

Nilapag ni Canderick ang tasa ng kape nya sa harapan at isang plato. Ngumuso sya.

"Hindi ako kakain."

Balewalang naglagay ng pagkain si Canderick sa plato nya.

"You should eat."

"Wala na nga akong ginawa kundi kumain ng kumain!"

Hindi na sumagot si Canderick kaya naiinis nyang tinikman ang pagkain. Napaismid nalang sya sa sarili nya dahil masarap ang luto. Good luck nalang talaga aky Ellie pag uwi nya. Siguradong masasabon sya dahil nadagdagan ang timbang nya.

"Rei."

"Ano?" Kinamot nya ang noo nya. "Bakit?"

"Wala."

Umirap sya uli at umakyat na sa itaas. Binitbit nya ang sketch pads. Lumakad sya sa pwesto ni Canderick sa labas na humihithit ng yosi. Naramdaman nya ang pagsunod ng tingin ni Canderick sa kanya.

"Meron ka pa?"

Kumunot ang noo nito sa kanya.

"Meron?"

"Yosi."

"You smoke?"

"Hindi ba halata?"

Inabot ni Canderick ang kaha ng yosi sa kanya. Kumuha sya doon, Canderick lit up her cigarette.

Island Series: Rei MillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon