Chapter Twenty One

296 14 3
                                    

Chapter Twenty One

"Yes, I have it done."

Masayang tumango si Rashie na pinapasadahan ng tingin ang finish product na ginawa nya para sa salas ng bahay nito.

"Thank you, Rei. This is so beautiful."

Rei had a deep sighed, pinaghirapan nya iyon. At buti nagustuhan ni Rashie. Sabi kasi medyo pihikan daw ito sa mga interior designer.

"Let's eat muna before we leave."

"Baka kailangan mo nang umalis?"

Sumilip sya sa relo. "Tinetext na nga ako. But I was so rude kung hindi tayo kakain."

"I'm okay, Rashie."

Ngumuso ito. "Sure ba, Rei?"

Rei chuckled. "Of course. Puntahan nalang kita sa sabado para sa pag aayos ng salas."

"Great! Thank you so much!"

Rashie bid her goodbye, nanatili namang nakaupo si Rei at bag order ng pasta nya. She's on a strict diet again, dahil finally tinanggap na nya ang fashion show sa darating na susunod na buwan.

Tuwang tuwa si Ellie kasi marami na talagang designer ang gusto na isuot nya ang mga design na akda. Para fair, si Ellie nalang ang pipili.

Muntik na syang masamid nang makita si Canderick na pumasok sa loob ng restaurant kung nasan sya. Ang akala nya pa ay hindi sya nito napansin pero mabilis na nagtama ang mata nila.

She looked away. Parang wala lang na nagsimula syang sumubo sa pasta nang may humila sa upuan na nasa harapan nya. Her brow automatically arched.

"Excuse me?"

Pinasadahan ni Canderick ng tingin ang paligid bago binalik sa kanya ang tingin.

"You're alone?"

Humigpit ang hawak nya sa tinidor.

"Yes. Pero kaya kong isaksak sa leeg mo itong tinidor kung sakaling may gawin ka."

Canderick smirked, nilahad pa nito ang leeg. "Can you try?"

"Umalis ka nga dito."

"Don't you know that it's still dangerous outside?"

"Dahil pagala gala ka?"

Bahagyang tinagilid ni Canderick ang ulo sa kanya.

"Harvy escaped."

"Maybe you let him. Kasabwat ka nya diba?"

Nawalan sya ng gana bigla kumain. Nang mabaling sya kay Canderick, may sarkasmo na ito sa labi ngayon.

"Really? What if I kidnapped you now." Anito. "Wala kang bodyguard."

"I had a tracker." Kibit balikat nya pa.

Canderick licked his lower lip. He's wearing a casual tshirt and a short, with a black bag.

"Rei." Anito. "Nakatakas si Harvy, Wright Perez is injured because of his escape."

"What?"

"It's not safe for you."

"What? How the fuck I should trust you?"

Naiinis na hinilamos ni Canderick ang palad sa mukha nito. Tumayo na sya at nagpalag ng bill sa lamesa.

"Where are you going?"

Hindi na nya ito pinansin at mabilis na naglakad palabas ng restaurant. She almost jumped when her phone rang kasabay nang paghawak sa siko nya.

Island Series: Rei MillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon