Chapter Nineteen

296 14 0
                                    

Chapter Nineteen

Wala pa din syang imik nang makabalik na sila sa Manila ni Zero.

"Rei."

"Sa condo ako uuwi."

"You will stay here for tonight." Zero sighed. "Just tonight. We need to check your condo."

Bumaba na sya sa sasakyan at nakita si Pepper sa may tabi ng pintuan. Dire diretso lang syang pumasok sa loob.

"Second to last, that's your room." Ani Zero.

Umakyat sya sa taas at pumasok doon. Agad syang humiga sa kama at pumikit. Mapakla pa syang natawa dahil sa natantong nangyari.

Did she get fooled? Of course! Naging pain sya para mahuli ang dapat na hulihin!

Bumukas ang pinto.

"Get out!"

"Rei." Pumasok pa din si Zero kahit binato nya ng tsinelas ito. "I'm sorry, okay... Hindi naman kita hahayaang mapahamak."

"But you made me your bait! You stupid piece of shit!"

"It was Wright and Allen's idea. We dig some information about Harvy."

"Kahit na! Mapapahamak ako! I thought you wanted me to be safe!?" Hinampas nya si Zero.

"Yeah, I know..."

Napasulyap sya sa pinto at nakita si Pepper.

"Hindi ako kapatid ni Harvy?"

"It was all just for show. We made him believe that you're his sister so we can catch him."

Nanliit na ang mata nya kay Zero.

"Stupid!"

"Hey okay, and about Canderick..."

"Wala akong pakialam! Lumabas ka na, gusto kong matulog." Humiga sya. "Patayin nyo na ang mga gusto nyong patayin! I wanted to get my peaceful life back."

"I also have Derick investigated."

"Oh please, Zero! Don't tell me you still trust him?!"

Binasa ni Zero ang ibabang labi at tumayo na. She made a face.

"Aish. Lumabas ka na!" Sinipa nya pa ito.

"Alright, let's talk tomorrow then."

Naiinis na sinabunutan nya ang sarili nang maalala ang mga pinaggagagawa nya kasama si Canderick! Oh god, looks can really be deceiving!

Kinabukasan, maaga nagising si Zero at nasa kusina na. Inirapan nya ito nang batiin sya.

"Uuwi na ako sa condo."

"Alright, it is safe now."

"Dapat lang!"

A phone rang, Zero excused himself. Kalaunan nang pumasok si Pepper doon.

"Good morning, Rei."

Sumimangot lang sya kaya bahagyang natawa si Pepper. Mabilis nyang tinaasan ng kilay ito.

"What's so funny?" Iritado nyang sambit.

Sumulyap ito sa pwesto ni Zero bago binalik ang tingin sa kanya.

"Everything was plan for a quick show, Rei."

"So?"

"Para mahuli si Harvy." Sumimsim ito sa gatas. "You don't get it huh?"

"Straight to the point. Bago ko pa kayo pagbuhulin ni Zero."

"Ang totoo sa lahat ay ang pagdakip kay Harvy. The rest, it is just for show."

Island Series: Rei MillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon