Chapter Twenty Three
Rei can't stop thinking about what happened earlier. Nakatayo sa harapan nya si Canderick at may kausap sa cellphone ngayon, kapagkuwan ay bumaling ito sa kanya.
"Paki-check ng mga cctv sa dinaanan ng van."
Kinuha nya ang baso ng tubig at mabilis na uminom doon. Pumikit pa sya bago nya naramdaman na umupo sa tabi nya si Canderick kaya napamulat sya.
"Si Harvy?"
"Hindi pa sigurado. Ichecheck pa kung saan pumunta iyong van."
"You should know where he could be!"
Malalim na bumuntong hininga si Canderick. "Hindi ako kasabwat ni Harvy. Nandito ako para masiguradong hindi ka nya magagalaw."
Umiwas sya ng tingin.
"Nagpadala na ng bantay si Atty. Miller dito."
"Pwede ka ng umalis."
Walang imik na tumango si Canderick at lumabas. Pumasok sya sa kwarto nya para makapagpahinga kahit pakiramdam nya nanginginig pa din ang kalamnan nya. Muntik muntik na syang makuha nung nasa van kundi lang sya mabilis na umatras.
Nagising lang sya nang makarinig ng pag uusap sa labas. Narinig nya ang boses ni Zero kaya tumayo sya at bago pa nya tuluyang mabuksan ang pinto, may narinig sya.
"Ibig sabihin, inakala talaga ni Harvy na si Rei ang kapatid nya?"
"Yes. Remember what happened when Zerina died? Zerina died, and we decided to hide Rei." Seryosong saad ni Zero. "To keep her safe, dahil alam kong sya at sya ang babalikan ng lahat."
"Hindi talaga kapatid ni Harvy si Rei?"
"He was just hallucinating, I just used that thought for click bait para lumapit sya."
Canderick stared at Zero.
"Anong nangyari sa kapatid ni Harvy?"
"She commit suicide."
Mahigpit na napahawak si Rei sa pintuan, parang mabilis na flashback lahat sa kanya. Kung paano sya dinala ng Mama nya dito sa Pilipinas para itago.
"Maluwag na ba talaga turnilyo ni Harvy? Nung una si Agatha?"
Dahan dahan syang naglakad palapit sa mga kalalakihang nag uusap. Canderick was the one who saw her first.
"Zero." Tawag nya.
Ni hindi man lang nagulat si Zero na baka narinig nya ang pinag uusapan nila. He stood up and face her.
"You heard us?"
Tumingin sya ng diresto sa mata ng kapatid.
"Totoo bang kapatid mo ko?"
"Yes, Rei. Zerina is our baby sister."
"She died because of me?"
"No. She got kidnapped and everything went fast."
"Zero..." Aniya. "I remember how everything goes... We tried to hide everything in exchange of our safety."
Ngumisi si Zero. "We did. You are Rei Miller now. Not Rei Zaguirre."
Bumuntong hininga si Zero at lumapit sa kanya.
"Ayokong pilitin mo ang sarili mong isipin lahat, iproceso lahat." Anito. "I needed to keep you safe, Rei."
Napahawak sya sa braso ng kapatid.
"Do you trust me?"
Mabilis syang tumango. "You trust me?"
"I trust you that you can handle yourself well, Rei." Marahang ginulo ni Zero ang buhok nya.
BINABASA MO ANG
Island Series: Rei Miller
Narrativa generaleWhen Rei wanted to have a peaceful life without complications, but her family background made it happen. Never had knew that her family had some 'other business' and because of that her life went in danger and she had to stop her career for the mean...