Chapter 34: Stay

824 26 0
                                    

Zy POV

Makalipas ang ilang araw hindi pa din kami nagpapansinan ni zerill, hindi ko alam na mas masakit pa pala ito kesa sa hindi ko siya nakakasama. Ito kasi nagkikita nga kami ngunit parang hangin lang naman ako sa kaniya. Alam kong mali ako, na hindi ko sinabi ang totoo sa kaniya. He deserves to know but I refuse to say the truth.

"Hayaan mo muna siya, lilipas din ang galit niya" ngumiti na lang ako ng pilit kay jake. Ang dami ko ng pagkukulang sa kaniya at ang dami ko ng binigay na sakit sa kaniya. He don't deserve this, but I can't do anything because I'm the reason too why he felt like this.

Imbes na samahan at daluhan siya ako pa naging dahilan upang sumama lalo ang loob niya. Sa bawat araw na lumilipas mas lalo akong nangungulila sa kaniya, ang gusto niya lang naman kasi ay mahalin siya tulad ng pagmamahal niya sa amin ngunit pinagkait pa namin ito, pinagkait ko pa ito sa taong mahal ko.

"Bee, nandito na sila" sambit ni stacy sa tabi ko, napakunot noo ako.

"Akala ko ba susunduin natin sila?"

"Yun din ang alam ko pero nagulat na lang ako ng nandidito na sila. Hinahanap na nila tayo dahil daw may importante silang sasabihin. Mukhang may mission na tayo, bee" napabuntong hininga ako at tumayo. Isa kaming detective kaya ganoon na lamang ako kagaling lumaban. Apo ako ng chairman kaya napadali lang ang pagpasok ko dito dahil si lolo ang nagtraine at nagpasok sa akin dito.

"Tara na, hinihintay na nila tayo" pumunta kami sa parking lot at sumakay sa kotse niya.

Pinaandar niya ang kotse papunta sa headquarters at nang makarating kami, pumasok agad kami sa loob. Busy lahat ng tao dito at may kaniya-kaniyang ginagawa.

Pumunta kami sa meeting room at nakita namin silang lahat dito. Yumuko sila ng makita kami kaya yumuko din kami bilang pagbati. Umupo ako sa harap at tinignan silang lahat. Ako na ang bagong chairman simula ng mawala si lolo, ngunit dahil baguhan pa lang ako, inaalalayan ako ng kanang kamay ni lolo. Siya ang matalik na kaibigan ni lolo at siya din lang ang mapagkakatiwalaan ko dito.

"Anong problema?" Tanong ko kay uncle Victor---kanang kamay ni lolo.

"You have a mission" tumikhim siya bago nagsalita. "Sinadya ang pagkakasunog sa Bright International University, at ang nasa likod ng may gawa nito ay ang alpex. Sunod na nilang tatargetin ang apo ni zestier, walang iba kundi ang tagapag-mana niyang si Zerill Zan. Nasa panganib na ngayon ang buhay niya dahil nabibigyan na ito ng dead threats" agad akong kinabahan sa sinabi niya.

"Kailan pa?"

"Wala kaming idea"

"Eh, bakit ba sila ang tinatarget ng alpex ngayon?" Takang tanong ni stacy.

"Kaaway ni zestier ang leader ng alpex. Magka-kaibigan noon silang tatlo, ang lolo mo, si zestier at si calex. Ngunit nabuwag ang pagka-kaibigan nila ng magtraydor si calex, sinubukan niyang agawin ang pagiging chairman sa lolo mo ngunit hindi siya nagtagumpay dahil pinagtulungan siya ni zestier at ang lolo mo"

"Anong mission ang ibibigay mo?"

"Chairman, kailangan mong bantayan si zerill zan at kailangan mo siyang protektahan sa lahat ng bagay. Mahalaga si zerill dahil siya ang heiress ng zan" napa-isip ako sa sinabi niya, kung ganoon kailangan nasa tabi ko lang si zerill. "Maaari ba, chairman? Kung ayaw mo naman, ibibigay ko na lang ang mission na iyon kay cheska"

"Tinatanggap ko ang mission, uncle"

"Kung ganoon, salamat" tumingin siya kay stacy. "Ang mission mo ay hanapin kung saan nagtatago ang alpex ngayon"

"Masusunod"

"Paano ba yan, teammates na naman tayo" ngisi ni erick kay stacy.

"Tsk, ask if naman ginusto ko"

I Still Choose YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon