Chapter 25: Tabi

821 28 0
                                    

One POV

"...Haha, inom pa" tuwang sabi ni rocco. Nandidito nga pala kami sa pinaka-malayong bar. Ewan ko ba at naisipan nilang sa malayo pa.

"Bat ba ang saya-saya mo?" Tanong ko na kinangisi niya.

"Masaya ako kasi completo na ulit tayo. Masaya ako kasi napatawad na tayo ni zy"

"Sabagay, pero kulang tayo! Wala yung dalawa" tukoy ko kay zerill at zy.

Sila lang kasi ang wala dito. Kung andito sila. Completo na ulit ang magka-kaklaseng cookery noon except doon sa pitong nerd na babae.

"Haha, baka nagda-date na yung mga yun" natawa kami sa sinabi ni red.

"Sana nga magma-butihan na ulit sila" tumango kami sa sinabi ni jim.

"At kapag nanyare yun? Ayos na ang lahat" sagot din ni rocco.

Fuck. Buti na lang nag-cr si brix kundi. Naku! Uupakan ko sila pag narinig ni brix mga pinag-sasabi nila.

"Tumigil na nga kayo. Mamaya biglang dumating si brix" sabi ko sabay inom. At ang mga sira nagpa-lakpakan.

"Wow, nagma-matured na si one" sabi ni rafael.

"Iba talaga pag may girlfriend" nagtawanan sila sa sinabi ni jim.

"Baka maging two ka na niyan" muli silang nagtawanan sa sinabi ni rocco.

Mga gago talaga. Tumayo ako at naglakad papuntang cr. Syempre, ngayon pa lang ako naka-punta sa lugar na ito. Hindi ko alam ang cr nila.

Lakad lang ako ng lakad para hanapin ang cr. Hanggang sa nadaanan ko ang stage. May sumasayaw doon na dancer. Napatigil ako at pinag-masdan siya. Ang galing niyang sumayaw. Nakaka-akit din siya. Napaka-galing niyang gumiling. Bagay na bagay siya diyan.

Naka-bra at undies lang siya tapos naka-maskara ang mukha niya. Pero kahit ganun hindi niya maiitago ang ganda niya.

Pinag-masdan ko pa ang mukha niya hindi ko alam kung bakit nakikita ko sa kaniya si....eunice.

Zy POV

"Tita mommy, ako diyan" sabay tulak sakin ni kian. Tong batang toh talaga.

Nandidito kami ngayon sa ilalim ng malaking puno. May duyan din dito kaya magandang tumambay dito.

"Pag ikaw nahulog. Tatawanan kita" banta ko dito pero ang loko nagduyan lang. Kung hindi lang toh bata inupakan ko na.

"Huwag mong pinapatay sa isip mo ang anak ko" nagtawanan sila sa sinabi ni kuya. Inirapan ko nga ito.

"Nang aagaw kasi ng pwesto, eh. Naku pag hindi lang talaga yan bata inupakan ko na yan"

"Tsk, tsk, tsk. Pwede ka namang tumabi sa duyan ni zerill" sinamaan ko nga si white man ng tingin. Buti na lang wala dito sina lolo zestier at lola.

"Oo nga. O kaya sabay kayong mag-duyan" napa-kagat na lang ako ng ibabang labi para pigilan ang pamumula ng pisngi ko.

Mga tarantado talaga tong dalawa na toh. Napatingin ako kay zerill na natutulog sa isang duyan. Buti na lang hindi niya narinig mga pinag-sasabi nila.

"Sige na" tulak sakin ni kuya. "Tabihan mo na"

"Eh, kung ikaw na lang tumabi sa kaniya"

"Ayaw ko nga. Katabi ko na nga itong honey ko, eh" turo niya kay rita na natutulog rin. Ang iingay namin. Hindi na kami nahiya.

"Ang bagal mo naman" reklamo ni white man habang buhat-buhat si barbie na tulog.

"Tsk, manahimik nga kayo-----"

I Still Choose YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon