Zy POV
"One, anong gagawin natin dito sa bar? Ang layo pa nito, ah" tanong ko. Akala ko kung saan kami pupunta. Dito lang pala.
"Basta. Malalaman mo rin mamaya, oh" abot niya ng mask. "Suotin mo"
"Bakit?"
"Basta. Sige na"
Hindi na ako nakipag-talo pa. Sinuot ko ang mask tulad ng sabi niya. Ganun din naman ang ginawa niya.
Matapos hinila niya ako malapit sa stage. Umupo kami sa pang-dalawahan lang.
Nag-order din ang loko ng dalawang beer. Hays, ano ba trip nito?
Nang dumating na ang order niyang beer. Akma ko na sanang kukunin yun ng pitikin niya ang kamay ko.
"Bakit ba?" Inis na sabi ko dito.
"Hindi porket nag-order ako. Iinumin mo na! Display lang natin yan para hindi tayo mahalata" napanganga na talaga ako sa sinabi niya.
Ano kaniya? Display lang? At ano? Hindi mahalata? Nino? Hays. Busangot akong tumingin sa stage na wala pang nagpe-perform. Ang tagal naman.
"Cr lang ako" paalam ko at tumayo.
"Bilisan mo"
"Okay"
Naglakad na ako papunta sa cr. Hindi ko pa din maintindihan kung bakit kami andito. Kung dito lang pala kami pupunta. Edi, sana inaya ko na rin yung mga kaibigan namin.
Pumasok ako sa cubicle para mag-jingle. Pagkatapos flinash ko lang ito at lumabas na ng cubicle.
"Ano ba, eunice! Ang tagal mo" natigil ako sa paghuhugas ng kamay ng marinig ko ang pangalan na yun.
Napatingin ako sa babaeng mukhang mataray na kinakalabog ang isang cubicle.
"Wait lang. Malapit na"
Hindi ako naka-galaw sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses na yun. Boses ni eunice yun. At hindi ako pwedeng magka-mali.
Pero, teka. Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba may date sila ni zerill ngayon? Yun kasi ang narinig ko kanina sa usapan nila. Hindi ako chismosa, ah. Sadyang malakas lang ang boses nila kaya ko narinig.
"Bilis!" Sigaw ulit ng mataray na toh.
"Oo na! Andiyan na!" Sabi ni eunice at binuksan ang pinto ng cubicle.
Tinignan ko siya at halos manlaki ang mata ko ng makita ang suot niya. Bakit naka-bra at underwear lang siya? At bakit naka-maskara siya?
Naka-make up din siya ng light pero kahit ganun mas lalo siyang gumanda.
Inayos niya muna ang buhok niya bago sila lumabas.
The heck. Anong ibig sabihin yun eunice? In fairness ang sexy niya pero teka. Bakit ba ganun ang suot niya? Mukha siyang dancer dito dahil napaka-rami din ng bracelet niya.
Taena, bakit eunice? Bakit mo ito ginagawa? Nalulugi na ba kayo? Pero, marami namang marangal na trabaho diyan! At bakit dito mo pa naisipang magtrabaho? Ang hirap paniwalaan eunice. Bumalik na ulit ako sa table namin ni one.
"Bakit ang tagal mo?" Tanong niya ng maka-upo ako.
"Hays, ang hirap paniwalaan"
"Ah? Ang alin?"
"Si eunice nakita ko sa cr. Naka-suot siya ng nakaka-laswang suot"
"What?! Nakita mo na?"
"Oo, bakit? Yun ba ang pinunta natin dito"
BINABASA MO ANG
I Still Choose You
Non-FictionEverything that comes plays a role in your life, but what exactly is it? This story is ready to make us cry, but you can learn a lesson. Because not everything learned comes from school.