Chapter 43: Alive

1.1K 35 0
                                    

Zy POV

Umuwi agad ako sa bahay ni lola ng malaman kong inatake siya.

"Lola!" Sigaw ko sa loob ngunit walang sumasagot. Pumunta ako sa kitchen at nakita ko doon ang mga katulong. "Nasaan si lola?"

"Nasa hospital, ma'am. Kakasugod lang sa kaniya kanina" tumango ako at agad tumakbo papunta sa kotse.

Pinaandar ko ang kotse papunta sa hospital, kinakabahan at natataranta na ako. Sila zerill naman sumama na kila ace, hindi na din siya nagpumilit dahil siguro sa ginawa ko.

Pagkadating ko sa hospital, bumaba agad ako at dumeretso sa loob. Pumunta ako sa E.R at nakita ko doon si kuya, naka-yuko siya habang problemado.

"Kuya" napatingin siya sakin at agad akong nilapitan. "Kamusta ang kalagayan ni lola?"

"Sinusuri pa din siya ng doctor" napatango ako at sumandal sa pader.

Mahigit isang oras din kaming naghintay bago lumabas ang doctor at nilapitan kami.

"Kayo ba ang ka-relative niya?" Tumango kami. "Mabuti at dinala niyo agad siya dito. As of now, kailangan naming suriin ang blood niya. Nagkaroon kasi ito ng chemical na maaring makalason sa buong katawan niya" napa-upo ako sa sinabi niya.

"Please, doc. Do your best"

"We will, sir"

Tumayo ako at pumunta sa kwarto ni lola, nilipat na kasi siya ng mga nurse. Napahawak ako sa glass wall habang nakatitig sa kaniya. Hindi ko siya kayang makitang ganito.

"Lil'sis" agad kong niyakap si kuya at umiyak ng umiyak sa balikat niya. "She'll be okay"

"Stop saying that, there's no any sign to be okay" hinagod na lang niya ang likod ko.

Maya-maya kumalma na din ako at umupo sa bench, binigyan ako ng tubig ni kuya bago siya pumunta sa loob. Habang nagmumuni-muni ako dito, biglang nag-ring ang cellphone ko. Napakunot noo ako pero agad ding sinagot ang tawag.

"Hello? Who's this?" Tanong ko agad.

"Miss me?"

"Who's gonna miss you? Your daughter? I guess, she's already died. Did you kill her, right?"

"How dare you?!" Sigaw niya pero agad ding tumawa. "May isesend akong litrato sayo, hope you like it" biglang tumunog ang cellphone ko kaya tinignan ko agad yun. Para akong nanlamig sa nakita ko, no! "Did you already saw it?"

"Magbabayad ka sa ginawa mo!"

"Oh, gusto mo ba silang marinig?" Narinig ko siyang naglakad kaya agad akong kinabahan. "Oh, ang chairman niyo"

"C-Chairman" boses yun ni joyce na nanghihina, napatakip ako sa bibig upang pigilan ang pag-hikbi.

"Gusto mo bang marinig ang mga kaibigan mo?" Tanong ulit niya.

"Z-Zy, huwag k-kang pupunta dito" boses nila brix iyon na kinailingan ko.

"O, mas gusto mong marinig ang lalaking minamahal mo?"

"D-Don't you d-dare to come here. P-Pabayaan mo na k-kami dito---ahhh"

"Zerill!" Sigaw ko habang nalilito na.

"Pupunta ka ba dito? O, papatayin ko na sila?"

"Ikaw ang una kong papatayin"

"Then, see you my dear" pinatay ko na ang tawag at agad tumayo.

"Zy" napatingin ako sa bagong dating at nakita ko si lolo zestier. "Sasama ako sayo" agad akong umiling.

"Hindi ho, mapapahamak lang kayo"

I Still Choose YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon