Chapter 1: Lutang

7.6K 77 1
                                    

Zy POV

"Zy, halika na" aya sakin ni geisha pabalik ng room. Nag-nod lang ako bago kami naglakad.

"Zy, sasama ka ba mamaya?" Tanong ni vina na kinatingin ko dito.

"Saan?"

"Sa bar para i-celebrate yung birthday ni cassie" tumango na lang ako.

"Bakit pala hindi siya pumasok?" Takang tanong ni geisha na kinakibit balikat ni vina.

"Huy! Babaeta! Salita-salita din baka mapanis na laway mo" sigaw ni vina sakin. Tinignan ko siya ng masama.

"Hay, naku vina! Hindi ka pa nasanay kay zy. Eh, hindi naman yan palasalita. At isa pa magsasalita lang yan pag may kailangan o magtatanong...."

Hindi ko na sila pinansin. Wala na silang ibang ginawa kundi pag-usapan ako ng pag-usapan.

"Hi, girls" napatingin kami sa nag-salita at nakita ang feeling F4. Kailangan nila samin?

Napakunot noo ako ng makita si vina na agad yumakap kay vince----leader ng F4.

"Hi, babe" malanding turan ni vince kay vina na agad kinilig. What the!---geezzz.

"Kumain na ba kayo?" Tanong ni james samin na kinatango nila. Tumingin sila sakin na kinabuga ko ng hangin.

"May problema ba?" Tanong din ni kyle na kinailingan ko.

"Haha, hindi ka pa nasanay. Always naman yan ganiyan" natatawang turan ni sky na kinairap ko.

"Huy! Babaeta tama na yan! Malalate na tayo" sabi ni geisha kay vina na todo kapit kay vince. Umirap muna si vina sa kaniya bago humarap kay vince.

"Babe, kita na lang tayo mamaya ah?" Tumango si vince bago siya halikan na kinaiwas ko ng tingin.

"Naiinggit ka ba? Haha" natatawang bulong sakin ni sky na kinairap ko muli. "Sabihin mo lang kung naiinggit ka dahil agad kitang hahalikan---"

"Tantanan mo ko sky" putol ko sa sinasabi niya na kinatawa niya. He's crazy. Umiling muna ako bago pumunta sa room. Bahala sila diyan.

Pagkadating ko umupo agad ako sa upuan ko. At dun ko lang rin nakita si geisha na nakasunod pala sakin kanina.

"Zy" tawag niya sakin kaya tinignan ko siya.

"Bakit?"

"M-may g-gusto lang k-kasi akong i-itanong"

"Ano?"

"S-since birth ka na bang ganiyan?" Tuloy-tuloy niyang sabi na kinaiwas ko ng tingin. Tsk, sa dami pang itatanong yan pa! Mag-iisang taon pa lang kaming magka-kilala kaya wala pa akong masyadong alam sa kanila at sakin.

"Tsk"

"Waahh, zy naman eh. Sagutin mo na lang ako"

"Ano ba?!"

"Makinig ka kasi! Tinatanong kita kung since----"

"Pwede bang iba na lang?"

"Yun ang gusto ko eh!" Ang kulit niya talaga. Katulad niya talaga yun! Bagay sila.

"Tsk, hindi ko alam"

"Ah? Paanong hindi mo alam?----"

"Waahhhh, girls" natigil siya ng biglang bumungad samin si vina na agad naupo sa harap namin. "Nakita niyo ba kami kanina ni vince?"

"May mata kami kaya obvious naman na nakita namin" pabarang na sagot ni geisha.

"Tse! Pasalamat ka good mood ako today"

I Still Choose YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon