Chapter 39: Need to go

766 25 0
                                    

"I'm sorry, zy. Mahal na mahal kasi namin ang kapatid niya" malungkot na saad one. Galit akong tumingin sa kanila.

"Ginawa mo ang bagay na nakakasuya para hiwalayan kita? Tama ba?" Galit kong turan kay brix, ngumisi siya at tumango.

"Tumpak" tumingin ako kay vince. "Kasama ka sa plano. Inayaya mo kami sa bahay mo para magkita-kita kami"

"Yeah, I did that. There are my cousin, of course I will support him" damn a bastard. Napahawak ako sa buhok dahil nagtitimpi na ako, dahil kapag hindi ako nagtimpi baka kung anong magawa sa kanila.

"I forgive all of you, but you broke it again. I save your life for so many times, but you give me all of this shit" kwenelyuhan ko si brix na kinagulat nila. "Kayo rin ba ang nagpapatay sa mga magulang ko?"

"You're accusing us that? Hindi kami mamamatay tao tulad ng mga magulang mo---" agad kong sinuntok si brix sa mukha dahilan upang bumagsak siya sa kama.

"Sinubukan kong iligtas ang kapatid mo---"

"Ngunit hindi mo ginawa!"

"I tried! Ngunit nauubusan ako ng hininga, pero anong ginawa ko? Sinubukan ko pa din siyang iahon! Pero, anong ginawa niyo? Tinali niyo ang paa ko upang hindi ako maka-ahon"

"You're lucky, your still alive" ngisi ni brix kaya sinuntok ko ulit ito. "I want to ask a question again, minahal mo ba ako? I want to hear it again, please say it again. Kasi ako! Kahit gago ang mga magulang mo, minahal pa din kita. Mahal pa din kita hanggang ngayon!"

"Ano bang sabi ko noon? Naaawa lang ako sayo kaya kita pinili. Mabuti pa lang hindi kita minahal!" Nilobo niya ang pisngi niya gamit ang dila.

"Kasi siya ang mahal mo?" Sabay tingin niya kay zerill na seryosong nanonood.

"Hindi. Bakit naman ako magmamahal ng mga kagaya niyong manloloko?"

"Akala ko ba mahal mo siya?" Takang tanong ni one.

"Of course not. Kung palabas ang ginawa niyo, pwes ganun din ang ginawa ko"

"Akala ko ba napatawad mo na kami?" Malungkot na tanong ni rocco na kinatawa ko.

"Bakit may ginawa ba kayong mali bukod sa nangyari sa kapatid niya? Alam kong una pa lang pinagtri-tripan niyo na ako kaya nga pinatawad ko kayo agad, diba? Pero, itong ginawa niyo. Hindi ko alam kung paano ko pa kayo mapapatawad"

"Ang galing mong manakit. Sobrang galing, sa sobrang galing nakakapunit ng puso. Paano mo nagagawa yun?" Tanong ni zerill, alam kong nagpipigil na siya.

"Sino bang nagsimula sa lahat ng ito? Ang nananahimik kong buhay, muli niyong ginulo"

"Then, sorry!" Naiiyak na sigaw ni brix. "Sorry dahil sayo kami naghiganti!"

"Sa tingin mo, enough yun?! Eh, gago ka pala, eh! Pagkatapos mo kong pag-sabihan ng hinanakit mo sa tingin mo hindi ako nasasaktan? Niloko niyo ko, hindi lang isang beses!" Umiiyak kong sigaw dito. "Gusto mong malaman kung minahal kita, diba? Oo, brix! Minahal kita kasi akala ko, you deserve it but I was wrong! Mabuti na lang niloko mo ko kaya ayun, hindi ako tuluyang nahulog sayo!" Nagulat siya sa sinabi ko at sinubukan akong lapitan ngunit lumalayo ako.

"How can you lie to me?"

"Because you gave me a reason to do that" nakita kong tumalikod si zerill, alam kong nasasaktan ko siya. Sinaktan ko na naman siya at wala akong magawa kundi panoorin siya. Ngayon malinaw na sa kaniya, akala niya wala akong gusto sa kaniya.

"Naiintindihan ko na" sambit ni cassie. "Ikaw ang ex ni brix. Why didn't you tell us! Pinag-mukha mo kaming tanga! Kaya ba ayaw mo akong magka-gusto sa kaniya kasi ikaw ang ex niya?! O baka naman, gusto mo pa din siya?!"

"I just want to protect you!"

"No! If you want to protect me, then you would tell to us!" Galit niyang sabi. "Sino ka ba talaga?! I thought you are my friend but I think, I still don't know who you are!" Lumapit ako sa kaniya.

"I'm Zazzy Nathalie Lux, ako ang babaeng pinaglaruan nila, ako ang babaeng sinaktan at niloko nila. Ako lang ang babaeng nag-isip na kaibigan ko sila at ako ang babaeng patuloy pa nilang dinudurog" tinalikuran ko na sila at binangga lahat ng nakaharang sa pinto.

"Zy!" Hindi ko na sila nilingon at tumakbo lang patungong labas.

Umupo ako sa swing at napatakip sa mukha at hinayaan ang sariling umiyak. Mas masakit pala ito kumpara sa nauna, hindi ko na alam. Hindi ko na alam ang gagawin ko lalo na at patuloy nila akong sinasaktan. Hindi ko alam kung paano nagawa nila mommy yun, I didn't know all of this. Plano! Plano lang ang lahat! Napaka-tanga ko dahil hindi ko manlang nalaman ang lahat.

"Bee!" Tawag ni stacy sa akin kaya napatingin ako dito. "Sinusugod ng alpex ang organization natin!" Agad akong napatayo dahil sa sinabi niya.

"Kung ganun, tara na"

"Hindi tayo pwedeng umalis hanggat walang pahintulot! Remember, nasa trip tayo"

"Wala akong paki!" Maglalakad na sana ako ng may magsalita sa likuran ko.

"Saan ka pupunta?" Malamig na sambit ni zerill, humarap ako dito at walang mababakas na emosyon sa mukha niya. My heart's broke again.

"May importante kaming pupuntahan"

"Aalis ka na naman tulad ng dati?" Lumapit siya sa akin at ramdam ko ang galit niya. "Bakit ang hilig mo akong saktan?! Simple lang yung hinihiling ko ngunit hindi mo ko mapag-bigyan!"

"I'm sorry"

"Alam kong galit ka din sakin kasi kasama ako sa plano, hindi ko naman alam na mapapa-mahal ako sa isang tulad mo. Pinatay ng mga magulang mo ang tinuring ko na ding kapatid kaya wala akong nagawa kundi makipag-tulungan sa plano ni brix"

"Naiintindihan ko, kung ako din ang nasa sitwasyon mo baka ganun din ang gagawin ko" tumingin ako sa mata niya. "Aalis kami ni stacy, ikaw naman ang anak ng dean kaya sayo na kami magpapa-alam"

"Grabe ka, zy-zy. Ang galing mong magtago ng nararamdaman mo"

"Because you taught me how to do this"

"Bee, kailangan na talaga nating umalis" tarantang sabi ni stacy na kinatango ko.

"Mauuna na kami"

"Sama kami!" Napatingin ako kila one at agad umiling.

"Iiwan mo na naman kami tulad ng dati" mapaklang sabi ni brix. Magsasalita na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko, sinagot ko ang tawag ng si warren.

"We really need your help!" Bungad nito sakin, tumingin ako kila zerill at umiling ako.

"We really need to go"

I Still Choose YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon