Chapter 9: Reason

1K 27 0
                                    

Zy POV

"Ano ba, davis. Dahan-dahan lang. Para kang bata kung kumain" saway ko ng halos isaksak niya sa bunganga niya ang cupcake.

Nandidito kami ngayon sa coffeehouse. Sa tapat lang toh ng GIU. Kaya agad naming mapupuntahan toh.

"Angsh sharapsh kashi" bulol niyang sabi dahil puno ang bunganga niya ng cupcake.

"Huwag ka ngang magsalita kapag puno ang bunganga mo" suway ko na naman. Napailing ako sa kaniya. Siya ang second version ni one. Sobrang kulit at sobrang daldal.

Uminom ako ng kape na hawak ko at tinitigan si davis na agad uminom ng tubig. Matapos pinunasan niya ang bunganga niya bago humarap sakin.

"Libre mo ba toh?" Tanong niya na kinanganga ko.

"Ano? Hindi ah----"

"Sige na! Libre mo na! Dapat kung sinong bumalik siya ang mangli-libre"

"Aba! Loko ka. Ayaw ko nga. Dapat kung sino ang bumalik siya ang ilibre"

"Eh! Baliktad ang pamaihin mo! Tignan mo nga ikaw. Nawala ka lang ng isang taon tapos ang ganda-ganda mo na" ngumisi ako sa sinabi niya.

"Ikaw nga rin. Mas lalo kang naging-------"

"Gwapo? Naks, alam ko na yan"

"Kapal ah? Patapusin mo muna kaya ako" tumango siya at nagpa-pogi sign sa harap ko na kinairap ko. "Mas lalo kang naging madaldal, mas lalo kang kumulit tapos mas lalo kang puma---"

"Waaahhh, pumangit? Huhu, ang bad mo"

"Tsk, bakit ako naging bad? Eh, ikaw nagsabi nun!" Agad siyang tumigil sa pagmaktol ng marealize niya ang sinabi ko.

"Oo nga noh! Ang sama ko sa sarili ko!" Natawa at napailing na lang ako. Hays, nakakamiss din pala makipag-tawanan dito.

Saglit pa kami nagkulitan ni davis bago namin naisipang bumalik na sa loob ng GIU.

"Kailan ka ba magpapakita sa kanila?" Tanong niya habang naglalakad kami sa hallway.

"Hindi ko alam. Saka kusa naman ata kami magkikita-kita. Ikaw nga kusa diba?"

"Sabagay, tadhana na ang gumagawa, haha" napangiti rin ako sa sinabi niya.

Nang nasa field na kami hinarap ko na siya.

"Dito na lang. Salamat nga pala----"

"Hep, ako dapat ang magpasalamat. Salamat dahil napatawad mo na kami. Salamat kasi hindi ka nagbago. Salamat kasi bumalik ka. Salamat sa lahat" putol niya sa sinabi ko. Ngumiti muli ako bago siya niyakap.

"Salamat din kasi hindi niyo ko nakalimutan. Salamat kasi hinintay niyo ko. Salamat sa lahat" kumalas kami sa yakap at hinarap ang isa't-isa. Ngumiti muna siya sakin bago siya umalis.

Nang makalayo na siya. Bumalik na ako kila geisha na naglalaro ng habol-habulan.

"Oh, kamusta ang lakad niyo nun?" Bungad ni vince kaya tinignan ko siya.

"Ayos lang. Nagmeryenda na ba kayo?"

"Yep, kanina" sabat ni kyle sabay akbay sakin.

"... Hahaha, sabi sayo huwag mo na patulan" tawang-tawang sabi ni cassie kay vina. Napakunot noo ako sa sinabi ni cassie. Patulan? Sino?

"Kaimberna yung mukha niya eh. Pag nakita ko ulit mukha niya. Ingungudngud ko siya sa putik" iritang sabi ni vina. Tsk, mukha alam ko na. May nakaaway siguro sila.

"Sino naka-away niyo?" Natatawang sabi ni james sa kanilang dalawa.

"Yung mukhang clown sa school na ito! Kapal-kapal ng make up na akala mo kinaganda niya. Sama mo pa yung mga alipores niya na mukhang paa. Akalain mo yun. May ganung mukha dito?" Natigilan ako sa sinabi niya. Clown? Makapal ang make up? Alipores na mukhang paa?

I Still Choose YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon