Zy POV
"Oh, bro. Gising ka na pala" basag ni vince sa katahimikan. Tumingin siya samin kaya nag-iwas agad ako ng tingin.
"Waahh, girls ang cute niya" bulong nina geisha at cassie na nasa tabi ko.
"Yes, I'm awake. Why? Do you need anything?" Saad niya.
"Nothing. Come. Join us" agad kong nilingon si vince sa sinabi niya. Shit! Huwag mo ng ayain!
"Okay----" natigil siya sa pagsasalita ng magtama ang paningin namin. Parang hindi siya makapaniwala ng makita ako. Samantalang ako napapalunok na. Shit.
Mas lalo pa akong nanigas sa kinauupuan ko ng lumapit siya sakin pero bago pa siya makalapit tumayo na ako.
"M-magpapahangin lang a-ako" paalam ko. Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila dahil agad na akong lumabas ng bahay nila vince.
Ang daming tanong sa isip ko kung anong ginagawa niya dito? Kaano-ano niya si vince? Bakit nagpakita pa siya.
"Kung saan-saan ka namin hinanap. Nandidito ka lang pala" napahinto ako sa pag-iisip ng marinig ko yung boses niya.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Visiting my cousin. You? What are you doing here?"
"None of your business. Pwede ba lumayo ka sakin" inis kong sabi ng lumapit siya sakin. Tuwing nakikita ko siya bumabalik lahat ng sakit! Sakit na matagal ko ng nilalabanan.
"Alam kong galit ka sakin/samin Pero sana pakinggan mo yung explanation ko---"
"Para saan pa? Tama na yung narinig ko! Tama na yung nabalitaan ko! Kaya wala ka ng dapat eexplain"
"Paano kung may dahilan kami kaya namin ginagawa yun?"
"Tsk, dahilan? Nagpapatawa ka! Kung ano mang dahilan yan. I'm sure mas importante yun kesa sakin kaya niyo nga ginawa yun diba?"
"No. Mas importante ka samin. Kaya----"
"Tumahimik ka na. Bumalik ka na sa lungga mo. Kahit anong sabihin mo hindi na ako maniniwala"
"Please, zy. Pakinggan mo ko/kami"
"Papakinggan kita/kayo kapag handa na ako sa panibagong sakit na mababalitaan ko. Kasi ngayon. Pilit ko pa rin nilalabanan yung sakit na binigay niyo/mo!" Agad kong pinunasan yung luha ko.
Ano ba zy! Sabi mo hindi ka na iiyak? Kainis! Tinignan ko siya na yumuko. Tumalikod ako sa kaniya dahil ayaw ko siyang makitang ganiyan.
"K-kasama mo ba siya?" Kinakabahan kong sabi. Kasi kong oo. Hindi ko na alam ang gagawin ko. "Brix, Sumagot ka! Kasama mo ba siya?" Iritang sabi ko at hinarap siya.
"O-oo" para akong binuhusan ng malamig sa sinabi niya. Bakit ngayon? Ito na ba ang tamang panahon para magkita-kita kami?
"S-sino pa ang kasama niyo?"
"W-wala na"
"Mabuti. Aalis na rin ako para hindi ko siya makita-----lumayo ka sakin" inis na sabi ko kay brix ng yakapin niya ako.
"Namiss kita. Please. Hayaan mo muna akong ganito"
"Lumayo ka sakin. Nandidiri ako sayo" sabay tulak sa kaniya. Tumalikod ako at pinunasan muli ang luha ko.
"Hindi mo na ba ako mapapatawad? Zy, it's been 1 year---"
"At hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako! Napaka-baboy mo! Kung hindi mo ginawa yun! Hindi sana magkaka-ganito!" Humarap ako sa kaniya. "Pinili kita kasi akala ko hindi mo magagawa yun! Mas pinili kong masaktan para lang sumaya ka. Hindi ko pinag-laban yung nararamdaman ko kasi iniisip kita kung anong mangyayari sayo pag hindi kita pinili. Sinugal ko yung nararamdaman ko para sayo. Pero anong ginawa mo? Niloko mo ko, huhu"
BINABASA MO ANG
I Still Choose You
Non-FictionEverything that comes plays a role in your life, but what exactly is it? This story is ready to make us cry, but you can learn a lesson. Because not everything learned comes from school.