Zy POV
Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon zerill. Kahit sa ganitong paraan tayo magkasama ayos lang basta kasama kita.
Kung sunog lang pala para makasama kita mas gusto ko pa tuloy na hindi na matapos ang sunog para hindi na rin matapos ang pagsasama natin.
Napabalik ako sa realidad ng hilain niya ako.
"Tignan mo nga yang dinadaanan mo" inis na utos niya. Tinignan ko naman at napalunok ako ng muntik ko ng matapakan yung kahoy na nasusunog.
Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi para pigilan ang ngiti. Dahil hawak niya yung kamay ko. Hays, sana huwag na tong matapos.
"Para kang tanga" inis ko siyang tinignan ng sabihin niya yun. Panira talaga ng moment.
Bakit ganun? Pag sa kaniya parang nakakaramdam ako ng kuryente tuwing magkahawak ang kamay namin. Pero pag sa iba. Wala lang. Normal. Siguro kaya ganito kasi mahal mo yung may hawak sayo.
"Wait mo ako dito" napataas ang isang kong kilay sa sinabi niya.
"Bakit? Saan ka pupunta?"
"May kukunin lang ako sa stock room"
"Sama ako----"
"Hindi na" inirapan ko na lang siya bago siya umalis.
Tinignan ko ang mga building na patuloy lang sa pag-apula. May naririnig na ring akong mga pesteng fire trucks kaya panigurado inaapula na nila ang apoy.
Panigurado mababalita ito sa saksi. Pero ang hindi ko maintindihan. Paano nagka-sunog? Kanina ayos pa naman ang lahat tapos bigla-bigla na lang may sisigaw na nasusunog.
"T-tulong, *ubo* t-tulungan niyo ako" natigil ako sa pag-iisip ng marinig ko iyon.
"Nasaan ka?" Sigaw ko rin. Boses babae yun eh.
"T-tulong"
"The hell! Nasaan ka nga?!"
"D-dito!.... N-natabunan ako *ubo* ng c-cabinet" cabinet, cabinet!
Nilibot ko ang tingin ko at may nakita akong malaking cabinet at may babae nga doon na natubunan at tanging ulo at kamay niya lang ang nakikita.
Dali ko itong nilapitan at sinubukan ko ring alisin ang cabinet pero the hell. Ang bigat.
"Ang bigat" singhal ko na kina-iyak niya. "Huwag kang umiyak, please"
"T-tulungan mo a-ako, huhu"
"Tinutulungan na nga kita diba? Huwag kang magulo para walang mangyari sayo lalo" baka kasi may mabaling buto niya edi mas lalo siyang kawawa.
"Zy?" Napatingin ako sa nagsalita at nakita si zerill na nakatalikod samin.
"Zerill!" Tawag ko na ikinalingon niya samin. Nakakunot noo siyang lumapit samin. "Tulungan natin siya"
"Tsk" singhal niya at tinignan ang babae na ubo pa rin ng ubo. Baka mag suka siya ng dugo niyan. Huwag naman sana.
"Ano tutunganga ka na lang diyan?"
"Nag-iisip ako kung paano siya aalisin diyan kaya tumahimik ka" inirapan ko na lang siya. Sungit!
"Ang tagal mong mag-isip. Kawawa yung babae, oh" turo ko sa babae. "Isipin mo na si eunice yan! Kaya kailangan mong mag-isip ng paraan para----"
"Shut up" putol niya sa sinasabi ko. "Itataas ko ng konti ang cabinet habang ikaw ay hihilain mo siya paalis diyan"
Nabanggit ko lang ang pangalan ni eunice naka-isip agad siya ng paraan. Bakit ba kasi umaasa pa din ako? Kainis.
BINABASA MO ANG
I Still Choose You
Non-FictionEverything that comes plays a role in your life, but what exactly is it? This story is ready to make us cry, but you can learn a lesson. Because not everything learned comes from school.