Zy POV
"Okay na toh" sabi ni vina habang nakatingin sa dalawang punong pushcart.
Puro chichirya ang binili namin. Meron ding delata. In case na kailanganin namin yun. Kumuha rin kami ng isang sakong bigas. Ang pangit naman kasi kung may ulam kami tapos wala kaming kanin. Si james na rin nagpresenta na magdala ng rice cooker.
Nagpila na si vina at vince habang kami naman pumunta sa gilid para antayin sila.
".....Oo nga. Yaman ng may ari ng school natin" saad ni geisha kay kyle.
"Zy, kilala mo ba si brix at zerill?" Tanong ni cassie na kinakunot noo.
"Bakit?"
"Hehe, patulong naman kay brix, oh"
"Ah? Bakit?"
"Crush ko kasi siya, ssshhh ka lang ah"
"Huwag siya"
"Ah? Bakit?" Takang tanong niya na kinailing ko.
"Basta huwag siya"
"Bakit? Crush mo rin---"
"Hindi. Huwag ka ng maraming tanong"
"Ewan ko sayo... Basta crush ko siya, hehe" bumuga na lang ako ng hangin sa sinabi niya. Sa dinami niyang ginusto bakit si brix pa? Sasaktan ka rin nun!
---
"Lola, ako na mamimili ng panood" sabay kuha ng remote pero dahil pasaway si lola nakipag-agawan siya sakin.
"Ako na! Ang pangit mo kayang mamili!"
"Ay, wow! Ang harsh ni lola.... Oh, sayo na. Ang baduy mo kayang mamili" binitawan ko na ang remote kaya ang lola mo! Tuwang-tuwang.
Nasa kalagitnaan kami ng panood ng biglang bumukas ang pinto at bumungad si kuya kasama ang asawa niya na si rita at ang kanilang anak na lalaki na anim na taong gulang pa lang.
"Titaaaa mommyyyy" sigaw niya sabay yakap sakin.
"Ah, ang sweet naman" hinalikan ko muna siya sa pisngi bago kumalas ng yakap.
"Grandma la" tuwang sabi niya sabay yakap kay lola na natuwa rin.
"Namiss kita apo ko"
Tumayo ako at nakipag-beso kay rita at kuya.
"Kamusta?" Nakangiting tanong ko.
"Ayos lang. Ikaw ang kamusta? Laki ng pinag-bago mo ah, haha" natatawang aniya ni rita na kinailingan ko na lang.
"Eh, pano nasaktan kaya nagka-ganiyan. Maganda rin pala ang naidulot nun sayo, hahaha----aray" singhal ni kuya ng batuhin ko siya ng unan.
"Grabe ka sakin ah! Bumisita ka lang ba para mang-asar?"
"Oo bakit---aray, ko naman sweetheart" singhal ulit ni kuya ng batukan siya ni rita na kinatawa ko ng mahina.
"Buti nga sayo... Tara na nga kumain na tayo" aya ko kaya nagpunta na kami sa dinning table at nagsimula ng kumain.
Si lola at kuya na lang ang pamilya ko dahil ang magulang namin ni kuya wala na. Namatay sila sa car accident. Buti na lang nag-asawa na si kuya at nag-anak kaya nadagdagan ang pamilya namin.
Matapos naming kumain inaya ko si kian na manood ng cartoons sa kwarto ko.
Humiga kami sa kama at nanood ng pambatang kanta. Minsan sasabayan namin yung kanta at minsan sasayaw kami. Ganito lagi ang ginagawa namin ni kian. Sobrang close naming dalawa. Sa kanila rin ako nakitira noon kaya nahirapan akong umalis noon sa bahay nila kasi iiyak si kian pag-aalis ako.
BINABASA MO ANG
I Still Choose You
Non-FictionEverything that comes plays a role in your life, but what exactly is it? This story is ready to make us cry, but you can learn a lesson. Because not everything learned comes from school.