Chapter 26: Samantha

827 28 0
                                    

Zy POV

"...Maraming salamat po at dumalaw kayo dito" masayang sabi ng papa ni rita. Uuwi na kasi kami dahil may trabaho na sina white man at kuya bukas.

"Maraming salamat din sa pagpapatuloy niyo samin" sabi ni lolo zestier. Ngumiti at tumango naman sila.

"Kung gusto niyo pa pong dumalaw dito eh welcome na welcome po kayo"

"Salamat. Salamat" nakangiting nakipag-kamay sina lolo at lola sa magulang ni rita.

Pagkatapos nilang mag-usap-usap nag-paalam na kaming aalis na.

Nang maka-sakay na kaming lahat pinaandar na ni kuya itong van. Pinikit ko rin ang mata ko dahil inaantok pa ako. Ang aga kasi naming gumising. Hindi rin ako maka-tulog ng maayos kasi tuwing magdidikit ang balat namin ni zerill nakakaramdam ako ng spark.

---

"...Sige, sa susunod ulit" nagising ako ng marinig ko yun. Minulat ko ang mata ko at dun ko lang namalayan na nakahinto na itong van.

Tumingin ako sa bintana ng van at dun ko nakita sila zerill na nasa tapat na ng gate nila.

"Tubig?" Tanong ni rita. Tumango na lang ako at kinuha ang tubig na nasa kamay niya. "Sa bahay ka na ba ulit titira?" Masayang sabi niya ng matapos akong uminom.

"Oo. Sa GIU na kasi ulit ako mag-aaral. Alam mo naman yung nangyari sa dati kong pinapasukan"

"Ay oo nga pala. Bakit nga pala nagkasunog?"

"May pumutok daw na wired"

"Eh, bakit hindi sila agad nagtawag ng bombero?"

"Nagtawag sila syempre. Pero, kung minamalas. Walang tubig kaya bumalik daw sila ulit at natagalan na"

"Kaya pala. Dapat laging handa ang fire trucks noh?"

"Mmm, sinabi mo pa. Kung ganiyan lagi. Naku! Maraming mapapa-hamak" tumango-tango siya sa sinabi ko.

Umuwi na muna kami sa bahay ni lola para kunin ang mga gamit ko.

Si lola sinasama naming sa bahay na lang muna nila kuya siya tumira para mabantayan ko pa rin siya at mabantayan din siya ni rita. Pero dahil matigas ang ulo niya. Ayaw niya. Kaya binilinan naming mabuti ang nurse niya na kung pwedeng kay lola lahat ng atensyon niya. Pumayag naman ito kaya kahit papano napanatag kami.

Pagkadating sa bahay nila kuya bumaba na agad ako sa van. Binuksan ko ang compartment ng van para kunin ang lima kong maleta. Grabe, ang dami kong dala.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay nila kuya maraming masasayang alaala ang bumalik sakin.

Iniling ko na lang ang ulo ko bago pumunta sa dati kong kwarto. Ganun pa din ang ayos. Wala ni isang dumi. Siguro lagi nila itong nililinisan.

Mas malaki nga pala ang kwarto ko sa bahay namin kesa sa kwarto ko kila lola at kwarto ko dito. Hindi na rin ako nakaka-uwi sa bahay namin dahil panigurado malulungkot lang ako. Puro mga katulong rin ang tao sa bahay namin kaya panigurado malinis pa rin ang bahay doon.

* kinabukasan *

"Hmm, bat hindi ka namin kaklase?" Inis na sabi nina geisha sakin. Sa aming walo ako lang ang nahiwalay sa kanila. Muntik pa akong matawa ng kaklase ko ulit si rocco.

"Oo nga! Sabay-sabay naman tayong nagpalista, ah" sagot ni james na kinakibit balikat ko.

"Waahhh, kaklase ulit kita" sigaw ni rocco pagkadating na pagkadating niya kasama sina zerill.

"Hindi atah. Namali lang atah sila"

"Tse! Lokohin mo pa ako" tinuro niya ang pangalan ko. "Pangalan mo yan oh. Zazzy Nathalie Lux. Section 4-C! Eh, section ko rin yan"

I Still Choose YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon