Chapter 27: Mall

844 24 0
                                    

Zy POV

Nandidito kaming lahat sa tambayan. At kitang-kita ko mula dito si sam na pawis na pawis na at walang tigil tumakbo.

Huminto siya sa mismong tapat namin at tumingala para makita ako.

"This is all your fault!" Sigaw niya sakin.

"Anong ako? Baka ikaw. At ikaw rin ang gumagawa ng kamalasan mo"

"How dare you to say that"

"Sige na. Tumakbo ka na. Dami pang satsat"

"Argghhhh! I hate you"

"Ow, I love you too" nagtawanan kami sa sinabi ni red. Mas lalo namula si sam dahil sa galit.

Sumigaw muna siya bago muling tumakbo. Umupo ako sa kama at sumandal kay jim.

"Alam kong may gusto ka sakin kaya hahayaan na kitang gawin yan----aray, haha" binatukan ko nga ang loko. Kahit kailan.

"....Haha, hindi ganiyan" natatawang sabi ni eunice kay zerill. Naglalaro kasi sila ng GO at hindi alam ni zerill kung paano laruin yun.

"Ang daya namang laro na yan"

"Haha, hindi mo kasi alam kaya nasasabi mong madaya"

"Madaya naman talaga....."

"Pahingi ako niyan" sabi ko ng makita kong naglabas ng burger si rafael.

"Ayaw ko nga"

"Ah? Ayaw mo?" Pagbabanta ko dito.

"Bakit anong gagawin mo?"

"Sasabihin ko lang naman na may gusto ka-----"

"Hehe, ito na oh. Sayo na" nakangiti ko namang kinuha ang burger at kinain yun.

"Gusto mo, rocco?" Mabilis naman tumango ang loko. Nakangiti ko siyang pina-kagat ng burger.

Dati si one ang ginaganito ko. Pero dahil may girlfriend na siya. Hindi ko na pwedeng gawin toh. Baka mag-selos yung girlfriend niya sa akin at yun ang ayaw kong mangyari.

"Waahhhh, bee" tili ni stacy na kakadating lang. Agaw atensyon amp. "Alam----bakit hindi ka naka-uniform?" Gulat na tanong niya ng makitang hindi ako naka-uniform. Tsk, bakit ba gustong-gusto na nila akong magsuot ng uniform? Ang ikli-ikli kaya ng palda.

"Tsk. Nakaka-tamad kaya. Ikli-ikli, tsk"

"Wow, ikaw ba yan bee? By the way, kyaahh" tili niya sabay lapit sakin.

"Ang ingay mo" inis na sabi ni brix.

"Paki mo ba? Tsaka, don't talk to me nga"

"Tsk, feeling mo naman gusto rin kitang maka-usap. Dun ka na nga sa mga alipores mo"

"Aba! Huy, Mr. Brix. What's your problem?"

"Ikaw! Ikaw ang problema ko. Ang ingay-ingay mo"

"Ikaw naman napaka-papansin mo! Bakit ba kita kinakausap? Gezz"

"Tumahimik ka kung ayaw mong halikan kita" biglang namula si stacy sa sinabi ni brix.

"Yow! Sige nga. Halikan mo nga, brix" paghahamon namin.

"Tsk, baka magselos ka----aray, haha" binatukan ko nga ito.

"Nice, nice, nice. Comeback na yan" sigaw ni one na agad ko ring binatukan.

"Tsk, paganiyan-ganiyan ka pa. Gusto mo rin naman" tinaasan ko ng kilay si brix.

"Ako? Gusto ko? In your dreams"

"Ay, bumabalik sa dati" nagtawanan sila sa sinabi ni jim.

"Tsk" humarap ako kay stacy. "Ano nga pala sasabihin mo?"

I Still Choose YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon