Chapter 6: Goodbye Tito

1.1K 37 0
                                    

Zy POV

"Kailan ba ang camping niyo?" Tanong ni lola habang nanonood kami ng balita.

"Next week po, lola. Kaya mawawala po ako dito ng isang linggo. Dahil isang linggo po ang camping" Sagot ko. "May nurse naman na po kayo kaya may magba-bantay na po sa inyo dito habang wala ako"

"Mag-iingat ka dun ah. Saan ba kayo magca-camping?"

"Sa GIU po, la"

"Aba, malayo yun ah"

"Opo"

Nanood na muli kami ng balita. Sa totoo lang ayaw kong manood ng balita kasi nakaka-awa yung iba.

"Tita mommy, let's play na po" masayang aya sakin ni kian kaya tumayo ako at hinawakan siya sa kamay.

"What do you want to play?"

"Basketball. If I grow up. I want to be a basketball MVP player" yan ang lagi niyang sinasabi pag-nababanggit ang salitang 'basketball'

Nagpunta kami sa likod ng bahay kasi may mini court dito. Kinuha ko ang bola at binigay sa kaniya. May maliit na ring dito para sa kaniya.

Kumuha rin ako ng isa pang bola para sakin. May malaki rin kaming ring para naman sa tulad ko. Nagsimula na kaming mag-laro kaya todo seryoso na si kian. Kahit biro-biro lang toh pero siya todo seryoso. Hinayaan ko na siya dahil alam ko namang pangarap niya toh.

Huminto siya sa paglaro kaya hinarap ko siya.

"May problema ba kian?" Tanong ko na kinailingan niya. "Bakit ang sad mo?"

"Kasi po nami-miss ko na po si tito daddy zerill. I want to play with him po. Ang galing niya po kasi mag-play ng basketball. I want to be like him when I grow up" natigilan ako sa sinabi niya.

Si zerill ang lagi niyang kalaro. Lagi kasi pumupunta si zerill sa bahay kaya agad silang nagka-sundo. At mas lalo pa silang nagka-sundo ng malaman ni kian na marunong mag-basketball si zerill. Mas lalo silang naging close at araw-araw rin silang naglalaro ng basketball. Nakakamiss.

* flashback *

"Talaga po Tito daddy? Marunong din po kayong mag-basketball?" Tuwang sabi ni kian kay zerill. Andito kami ngayon sa likod ng bahay nila kian. Dahil merong court dito. Pinagawa ni kuya toh para kay kian.

"Oo naman. Ako kaya ang MVP ng basketball"

"Wow, ang galing niyo naman po tito daddy. Paglaki ko po gusto ko maging tulad niyo"

"Tama yan, kian. Huwag mo lang pangarapin na maging magka-mukha tayo, ah? Haha" natatawa kong binatukan si zerill.

"Lol! Baka paglaki niyan mas gwapo pa sayo yan"

"Oo nga tito daddy. Tama si tita mommy. Paglaki ko mas gwapo ako sayo" dahil sa sinabi ni kian nag-pout si zerill. Tsk, bakit ba ang sarap pisilin ng pisngi niya kapag ganiyan siya. Para siyang naagawan ng candy.

I Still Choose YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon