Chapter 28: Nakakadiri

839 27 0
                                    

Zy POV

"Ms. Lux. Anong kukunin mo?" Tanong ni miss sakin. Tinatanong niya kung anong kukunin kong T.L.E.

Hays, pinag-isipan ko toh ng matagal kaya panigurado hindi ako magsisisi.

"Cookery po"

"Maganda ba doon?"

"Oho, mag-turo rin ho kaya kayo doon para malaman niyo"

"Tsk. Sige na. Seat down" ngumiwi na lang ako bago naupo sa tabi ni rocco na ang laki ng ngiti.

"Ano? Ayos na?" Tanong ko na kinatango-tango niya. Loko talaga.

---

"Uy, akin yan, rocco" sabay pilit kinukuha yung buko shake sa kaniya.

"Wala. Akin na toh"

"Ano sayo na yan? Hindi ka bumili kanina tapos kukunin mo yung akin?"

"Oo. Ayaw ko kayang mag-gastos" minsan sarap upakan nito.

Lagi na lang yan ang pambar niya. Naglalakad kami ngayon papunta sa next subject namin na cookery.

"Ako rin naman, ah" sabi ko. "Ayaw ko rin gumastos. Pero, dahil natatamkam ako niyan bumili ako"

"Tsk, natatakam din naman ako, ah. Pero hindi ako bumili"

"Ay, bwiset ka! Mabilaukan ka sana!"

"Tse, hindi----*ubo* *ubo* *ubo*" halos dumapa ako kakatawa ng nabilaukan nga siya.

Tinapik-tapik ko dahan-dahan yung likod niya habang patuloy pa rin tumatawa.

"Pffft, ginagawa mo------huwaggg, hahaha" sigaw ko ng habulin niya ako.

Binilisan ko ang takbo ko habang tumatawa pa rin. Grabe, yung mukha niya. Parang hihikain, hahaha.

"Oh, anyare sayo?" Hindi ko pinansin si jake bagkus dere-deretso lang akong pumasok sa room habang tumatawa pa rin.

Nagtago ako sa sulok sa tabi ng malaking cabinet. Tuwing maiisip ko yung mukha niya. Para siya natatae na ewan. Basta iba-iba ekspresyon niya, haha.

"Zy! Nasaan ka?!" Sigaw niya. Tinakpan ko ang bunganga ko para pigilan ang pagtawa. "Huwag ka ng magtago! Mahahanap din kita"

"Anyare ba sa inyo?" Rinig kong tanong ni brix.

"Habang umiinom kasi ako pinag-dasal niyang mabilaukan ako"

"Haha, at nangyari naman?!"

"Oo! Bwiset! Ang pangit ko dun" nagtawanan ang lahat sa sinabi niya.

"Pfffttt-----huy, ano ba!" Sigaw ko ng hilain niya ako palabas sa sulok ng cabinet.

"Bakit mo ginagawa yun? Alam mo------"

"Alam mo bang mahal ka din ng mahal mo?" Namula siya sa sinabi ko na kinalawak ng ngisi ko.

"Kilala mo ba kung sino?"

"Oo! Yung taga---hmppp"

"Oo na! Alam mo na. Kaya shhh ka lang"

"Ang daya. Sabihin niyo na kung sino" sigaw nila. Pinitik ko ang kamay niya dahilan para matanggal niya ang pagkakatakip sa bunganga ko.

Magsasalita pa lang sana siya ng dumating na yung teacher namin. Mabilis kaming nagsi-upo at tumahimik. Nang makita niya ako ngumiti siya.

"Oh, Ms. Lux. Welcome back"

"Thank you, sir"

"Balita ko ikaw yung nakipag-laban sa criminal? Galing mo dun, ah"

I Still Choose YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon