Vina POV
"Babe, sorry na" hindi ko pa din pinapansin si vince. Aba, sinigawan ba naman ako nito dahil lang sa hindi ko na-text si cassie kagabi. Ang sabi niya kasi sakin i-text ko daw si cassie kung naka-uwi ba ito ng maayos pero dahil may pinagawa sa akin si mommy hindi ko natext si cassie. "Vina"
"Huwag mo akong kausapin, layuan mo ko"
"Hindi ko naman sinasadyang sigawan ka"
"But you already did because of that reason! Really, vince? Ano naman kung hindi ko siya itext, eh malaki naman na siya para umuwi mag-isa"
"Stop saying that" seryoso niyang sabi. "Kaibigan mo siya kaya dapat maging concern ka"
"Tsk, alam ko yun. Pero hindi naman sa lahat ng oras dapat over protective ako. Sige nga, paano kung gawin din sa akin ito ng ibang lalaki. Ikaw na din naman nagsabi na friend lang"
"Iba ang kay cassie at sayo"
"Bakit ka ba cassie ng cassie?!" Inis ko ng sabi, tumaas naman ang kilay niya.
"Kasi kaibigan mo siya" napailing na lang ako at nag-earphone. Puro na lang cassie, bakit hindi niya din kamustahin ang iba pa naming kaibigan. Hindi lang naman si cassie ang kaibigan ko.
Pagkadating namin sa resort bumaba na kami sa bus, nauna akong bumaba dahil ayokong makasama si vince.
"Oh, vina. Susi ng unit niyo" sabay abot ni ateng tour guide ng susi. "Ang kasama mo sa unit ay si zazzy at geisha" kinuha ko ang susi at nauna ng umalis.
Pumunta ako sa hotel at sumakay sa elevator, nakita ko pang nag-uusap si vince at cassie bago tuluyang nagsara ang pinto. Bakit kay cassie iba ang ngiti niya? Parang may kumirot sa dibdib ko at halo-halo na din ang nararamdaman ko.
"Ahem" napatalon ako sa gulat ng may tumikhim sa tabi ko at nakita ko si miguel.
"What the heck! Bakit ka ba nanggugulat?"
"Haha, I'm not!"
"Stop laughing! It's not funny" umirap ako kaya mas lalo siyang natawa.
Bumukas na ang elevator kaya nauna akong lumabas at hinanap ang unit namin.
"Ow, there you are" sambit ko ng makita ko ang 1839 unit number namin.
"Well, mukhang magkatabi ang unit natin" saad ni miguel at nag-cross arm sa akin.
"You see naman, diba?"
"Tsk, ang sungit mo talaga"
"Ano bang kailangan mo?"
"Hmm, wala naman" binuksan niya yung unit nila. "See you around, ms. Sungit" sabay pasok niya sa unit nila. Napailing na lang ako at binuksan ang unit namin.
"Kaya mo ba ako iniwan sa ibaba para makipag-landian kay miguel?" Napatigil ako sa pagbukas at tinignan ng walang gana si vince.
"Ano na naman bang iniisip mo?"
"Sagutin mo nga ako, may namamagitan ba sa inyo ni miguel"
"My gosh, vince! Halos maging linta na nga ako kakadikit sayo tapos may gana ka pang pag-sabihan ng ganiyan?"
"Then, what is that?"
"We only had a coincidence"
"Without me? Then, anong ginawa niyo sa elevator? Naghalikan?" Dismiyadong tumingin ako kay vince at binuksan ang unit.
"Bahala kang mag-isip diyan"
"Vina!" Pumasok ako sa unit at sinara ang pinto. Umupo ako sa sofa at napatakip sa mukha at hinayaan ang sariling umiyak.
BINABASA MO ANG
I Still Choose You
Non-FictionEverything that comes plays a role in your life, but what exactly is it? This story is ready to make us cry, but you can learn a lesson. Because not everything learned comes from school.