Zy POV
Tumingin ako kay zerill na patuloy lang sa pag-inom ng beer habang malayo ang tingin. Napayuko ako at tinitigan yung sapatos ko. Naghihinayang ako.
* flashback *
"Anong gusto mo sa paglaki mo?" Tanong ni one sakin habang naka-upo kaming lahat dito sa sahig sa room.
"Hmm, wala pa akong maisip eh. Ikaw ba? Anong-----"
"Bakit siya lang? Dapat 'kayo'" putol sakin ni davis na kinatawa ko.
"Oh, Sige. Anong gusto niyo sa paglaki niyo?"
"Ako, hmm gusto ko maging pulis. Dahil pag may ginawa kang masama huhulihin kita, haha" tawang-tawang sabi ni davis na kinatawa din nila. Napailing-iling na lang ako.
"Ako, gusto ko maging engineer" pagyayabang ni jake.
"Sakin, gusto ko maging business man" sigang turan ni rocco.
"Sakin, call center" sigang turan din ni one. At yun na nga sinabi na nilang lahat ang gusto nila paglaki nila. Nakakatuwa sila kasi ang tataas ng pangarap nila. Sabagay, matutupad naman nila yan kung mag-aaral sila ng mabuti.
Tumingin ako kila brix at zerill na umiling na lang.
* end of flashback *
"....hahaha, oo nga!" Napabalik ako sa sarili ng biglang tumawa ng malakas si vina. Ewan ko kung anong nakakatawa. Dahil lutang naman ako.
"Tapos tinanong ko si james kung ano yun tapos ang sabi niya flyers daw, hahaha" tuwang-tuwang sabi ni geisha na kinailingan ko.
"Tahimik mo" tinignan ko si brix ng malamig dahil sa sinabi niya.
"Tsk. May sasabihin ka ba?" Yumuko siya na kinangisi ko. "Spell it"
"Y-yung kanina-----"
"Tapos na ang usapan kanina" tumayo ako at tumingin sa kanila. "Manood na tayo"
"Oo nga pala. Tara na guys" masiglang sabi ni vina kaya nagsitayuan na silang lahat at naglakad papasok.
"Oh, hindi ka pa papasok?" Tanong ni cassie ng nakatayo pa rin ako.
"Mag-c-cr pa ako kaya mauna ka na"
BINABASA MO ANG
I Still Choose You
SachbücherEverything that comes plays a role in your life, but what exactly is it? This story is ready to make us cry, but you can learn a lesson. Because not everything learned comes from school.