" Mamaya ulit guys. May practice tayo.'' Pagaalala ni gab sa kanyang kagrupo
''Ako na magdadala ng libro mo''
Napatingin sila gab, lanz, Pauline, at daphne banda kay Alyssa dahil may biglang nagsalita sa tabi ni pamilyar na boses
"Thanks pero kaya ko na'' Pagtanggi naman ni Alyssa
"Sige na para makabawi ako sa ginawa ni Chelsea" Pamimilit naman ni Christian
Binalewala naman ito ni alyssa at lumingon sa kanyang mga kaibigan
''Tapos na ba kayo guys?'' Tanong ni Alyssa
"Okay na. Tara na"Pagyaya naman ni lanz
Pero bago pa makalakad sila ay hinarangan na ni christian ang dadaanan ni alyssa
''Sige na. Please!''
Hindi pa sumasagot si alyssa ay kinuha na ni christian ang libro sa kamay ni alyssa hindi naman na pinigilan ito ni alyssa at nagpatuloy na lang sa paglalakad papunta sa kanilang classroom.
------
''Wow! Nakakapanibago ah.'' Pangaasar ni pauline
''Sorry kung ngayon na lang ulit ako nakasama sainyo simula nung magkagirlfriend ako.'' Paghihingi ng tawad ni Christian
"Okay lang naiintindihan naman naming pero sana magkaroon ka din ng oras samin maliban dun sa mga practice natin'' Sabi ni gab
"Tsaka meroon taong namimiss la'' Sabi ni daphne sabay tingin kay Alyssa na tahimik kumakain
Napahinto si Alyssa at tumingin sakanyang mga kaibigan na nakatingin sakanya.
"Bakit?" Pagtatakang tanong ni Alyssa
"May dumi ka" Sabay punas ni Christian sa labi ni Alyssa na may kechup
''AYYYIIIIEEEE!'' Sabay sabay na sabi nila gab
Nanlaki ang mata ni alyssa at agad na sinaway ang kanyang mga kaibigan
"Manahimik nga kayo"
"Bakit ka namumula?" Natatawang tanong ni daphne
Hindi na sinagot ni alyssa ang tanong ni daphne at agad naman na ito yumuko sabay sabya naman sila nagtawana dahil sa naging reaksyon ni alyssa.
''Bakit nga pala hindi kayo magkasama ngayon ng girlfriend mo christian?'' Pagtatakang tanong ni gab
"Wala lang" Simpleng sagot naman ni Christian
"If I know LQ lang kayo" Pangaasar na sabi ni Pauline
"Hindi. May napagusapan lang kami. " Sagot naman ni Christian
"Ano naman yun?" Pagtatakang tanong ni gab''Basta saamin dalawa na lang yun.'' Sagot naman ni christian sa kaibigan
''Okay hindi na kami maghihimasok sa usapan niyong yan''
''Salamat''

BINABASA MO ANG
My One And Only You
FantasyWhy did you choose a stranger? Instead of your Best fiend.