It's been what? 10 years after nung naging pagpapaalam ko kay christian. Pagkatapos nun paguusap na yun hindi na kami nagusap. Hindi na kami nagkita. Kahit anino niya hindi ko na nakita. Hindi ko na siya nakakasalubong sa school. Kapag papasok sa classroom late na makakarating tapos nagmamadali pa sa pagalis. Talagang tinalikuran na niya ako. Ang sakit sobra! Araw araw kong pinapakita sa mga kaibigan ko na masaya ako. Gabi gabi naman ako umiiyak kapag ako na lang magisa sa kwarto ko. Nawala nga si christian bumalik naman si kevin si ang pumalit sa pwesto ni christian pero wala akong nararamdaman sakanya. Nagtatanong naman sila kung anong nangyare saamin ni christian hindi ko alam sasabihin kaya ang laging sagot ko lang saknaila. "Baka busy lang kay janelle" o hindi kaya "Baka may importanteng ginagawa" Hindi nila alam ang nagyare saamin pero minsan nakakahalata na sila dahil kapag sinasabi nilang makikipagkita sila kay christian hindi ako sumama. Hanggang ngayon nararamdaman ko yung sakit. O.A na kung o.a pero mahal ko siya eh. Nagpakatanga na kung nagpakatanga. Pinaramdam naman din kasi niya kung gaano ako kaimportante sakanya. Pinaramdam niya saakin na mahal niya din ako pero akala ko lang pala yun. Naging feelingera lang pala ako. Umasa lang pala ako. Minahal ko naman siya ng totoo. Pinaramdam ko sakanya na hindi siya nagiisa. Lagi akong nanjaan kapag may problema siya. Lagi ko siyang sinasamahan sa lahat ng lakad niya kapag kailangan niya ng kasama. Tapos ano ang gagawin niya? Tatalikuran niya ako. Nagpromise siya saakin na walang iwanan kahit may mga gf/bf na kahit na may mga asawa at anak na pero ano nangyare ngayon? Isang Janelle lang pala ang magpapataob sa pangakong yun. Totoo pala ang sabi nila na kahit ilang beses mo pa sabihin ang salitang promise, sa salitang sorry pa rin ito babagsak. 10 years na pero hanggang ngayon siya pa din ang mahal ko. Siya pa din ang nilalaman ng puso ko. Bawat araw, panahon, gabi, buwan, oras, minuto, segundo na lumipas umaasa pa din akong babalik siya. Hindi ako susuko. Mahal ko siya. Ang daming rason para iwan siya pero may isa akong pinapanghawakan na rason para maghintay sakanya. Yun ay Mahal ko siya.
BINABASA MO ANG
My One And Only You
FantasyWhy did you choose a stranger? Instead of your Best fiend.