CHAPTER 47

9 0 0
                                    

Christian POV

"Pare nagkamali ako"

"May nalalaman laman ka pa kasing promise promise hindi mo naman din pala kayang tuparin." -Gab

"Malay niya ba?"-Lanz

"Magulo naman din kasi ang pagiisip ng mga babae eh."-Gab

"Pero hindi mo naman masisisi si christian eh."-Lanz

"Pero sana nga hindi na muna sia nagpromise kay alyssa kung hindi naman niya kayang tuparin"-Gab

"Haaayyyss! Lasing ka na ata gab"-Lanz

Tumayo muna ako at pumunta sa counter para magorder ng isa pang alak. Iniwan ko muna nagaaway yung dalawa. Bakit ba kasi mapaglaro ang tadhana? Bakit kung kelan okay na kami ni alyssa tsaka may dadating na bagong problema? Ganito ba talaga kalupit ang tadhana? Nakakapagod na lang kasi eh. Lagi ka na lang nasa gitna. Hindi mo alam kung ano gagawin. Nagulat na lang ako ng may biglang humawak sa balikat ko.

"Pare iiyak mo lang yan. Nandito lang kami."-Gab

"Nakakabakla ka naman gab. Wag ka nga ganyan." Pinunasan ko yung luha ko habang hinihimas ni gab yung likod ko at umupo sa tabi ko

"Ikaw ang bakla wag mong isarili yang nararamdaman mo. Ilabas mo. Ikaw naman din kasi ang mahihirapan kung sinarili mo yan. Kaya nga kami dumating sa buhay mo para kapag may problema ka nandito kami para samhan ka at bigyan ka ng advice."-Gab

Wala akong masabi. Si gab ba taaga itong nasa harap ko? Hindi naman ganito si gab eh. Ang kilala kong gab yung nangaasar. Yung tinatawanan lang yung mga problema. Yung hindi masyadong seryoso sa buhay.

"Alam ko iniisip mo. Hindi ako ganito pero hindi na kaibigan turing ko sainyo eh. Parang ko na kayong mga kapatid kaya ganito ang inaasta ko. Ayoko kasing nakiktang nahihirapan ang mga taong importante saakin."

Napapangiti na lang ako kay gab. May tinatago din pala ito.

"Ito lang ang tatandaan mo ang tunay na lalaki hindi takot ipakita ang tunay niyang nararamdaman."

"Oo na. Thank you pare ha."

"Wala yun"

"Nasaan nga pala si lanz?"

"Nandun iniwan ko muna saglit sa table."

"Tara balik na tayo."

"Sige"

Ng makabalik na kami sa table namin wala na kaming ibang ginawa kundi magkwnetuhan. Ang saya saya namin tatlo para kaming mga walang problema na ikinahaharap. Sana lagi na lang kaming ganito.

"Nagtext ba kayo sa mga gf niya na hindi kayo papasok ngayon?"

"Oo sabi ko may kailangan akong puntahan kasama ko naman kayong dalawa."-Gab

"Buti hindi nagtanong kung saan."

"Hindi kasi kayong dalwa naman ang kasama ko."-Gab

"Ikaw lanz?"

"Oo sabi ko may kailangan akong bilhin. Magpapasama ako sainyong dalawa."-Lanz

"Buti hindi sinabi na sa weekends na lang"-Gab

"Buti hindi tinanong kung ano bibilhin mo"

"Ano kayo? Ang dami nga tanong eh."_Lanz

"Like?"

"Saan daw? Bakit? Ganon ba daw yung kaimportante? Bakit hindi na lang daw siya yung isama ko?"-Lanz

Hahahhahahahhaha! Natatawa ako kay lanz habang sinasabi niya yung mga tanong ni daphne sakanya. Nagmamake face pa kasi. Mahigpit na gf si daphne pero mararamdaman mo naman talaga sakanya na ayaw niya lang mawala sakanya si lanz.

"Ikaw christian?"

"Oo tinext ko si alyssa."

"Ano sinabi mo?"-Gab

"Sabi ko sasamahan ko lang kayong dalawa"

"Ano sinabi?"-Lanz

"Ingat daw."

"Ah. wa-"-Gab

"Hi christian"

Hindi na natapos ni gab yung sasabihin niya dahil dumating na yung babaeng kanina ko pang hinihintay.

"Hi Janelle"

Tumayo ako para halikan siya sa pisngi.

"Janelle this is gab and lanz."

"Hi its nice meeting you guys."

"Lanz and gab this is janelle my new girlfriend."

My One And Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon