CHAPTER 57

11 0 0
                                    

Janelle POV

"Ano bang problema christian?"

"Wala."-Christian

"Eh bakit ganyan yung inaasta mo lately?"

"Wala nga ito janelle"-Christian

Ang aga aga iniinis ako ni christian. Nandito kami sa tapat ng school nila hindi niya kasi ako sinundo sa bahay kaya sabi ko kung hindi niya ako masusundo ako na lang ang pupunta sa school nila para makausap siya..

"Simula nung kinausap ko si alyssa. Naging ganyan na yung inaasta mo. Ano bang problema?"

"Ilan beses ko bang uulitin janelle? Wala nga"-Christian

Tatalikuran ko na sana siya kaso may nakita akong paparating na babae at tignan mo nga naman kung gaano ako kaswerte.

"Alyssa?!"

Tumingala ang nakayukong babae habang naglalakad. Hindi naman siya huminto at patuloy lang siya naglalakad hanggang sa makarating siya sa kinatatayuan namin ni christian.

"Kamusta ka na alyssa?"

"Okay lang ako janelle. Thanks for asking."-Alyssa

"Tinigilan mo na ba ang paglalandi sa bf ko?"

"Janelle!"-Christian

"Bakit christian? Hindi ba't totoo?"

"Unang una sa lahat janelle wala akong nilalandi."-Alyssa

"Oh really alyssa?! Eh ano twang mo dun sa ginawa mo?"

"Janelle! Tumigil ka na nga!"-Christian

"Oh? So? Kinakampihan mo siya?"

"Wala akong kinakampihan sa inyong dalawa."-Christian

"Tutal magkakaharap naman na tayong tatlo bakit hindi na tayo magkatapat tapatan."

"Ano naman ang paguusapan natin janelle?"-Christian

"May gusto ka ba sabihin alyssa?"

"Wala"-Alyssa

"Wala ba talaga?"

Tumingin siya saakin ng masama. Siguro hindi na niya napigilan itago kung anoman ang tinatago niya.

"OO JANELLE AAMININ KO NASASAKTAN PA DIN AKO HANGGANG NGAYON! MAHAL KO PA DIN SI CHRISTIAN! MASAYA KA NA?!"-Alyssa

"Ang babaw ko namang tao kung dahil lang jaan sa mga sinabi mo ay liligaya na ako."

"Hindi ko nga alam kung ano nakita sayo ni christian. Ang sama sama ng ugali mo. Kung tutuusin mas maganda pa nga ako sayo eh!"-Alyssa

"Sige sabihin na natin mas maganda ka saakin," I gave her my evil smile. "Maganda ka nga pero sorry ako naman ang mahal. Anong laban mo?"

"TUMIGIL NA NGA KAYONG DALAWA!"-Christian

"Hindi naman kasi mahalaga janelle kung kami o hindi. Ang mahalaga parehas kami masaya kung ano kami para sa isa't-isa"-Alyssa

"Masaya ka ba na kaibigan lang turing sayo ni christian?"

"Alyssa pumasok ka na sa loob"-Christian

"Hindi."-Alyssa

"See wag ka kasing sinu-"

"Hindi ako masaya ngayon kasi dumating ang mangaagaw na katulad mo. Masaya na kami dati eh dmating ka lang sa buhay namin."-Alyssa

"Wala akong inagaw alyssa. Hindi mo siya pagmamay ari"

"Parte ako ng buhay niya janelle dahil ako ang laging nanjaan sa tabi niya sa tuwing kailangan niya ng kausap."-Alyssa

"Ang sabihin mo lang nilalandi mo lang siya kasi umaasa kang maiinlove din siya sayo. Manlandi ka hangga't gusto mo, basta ba single ka at make sure na single rin yung nilalandi mo."

"ILAN BESES KO BANG SASABIHIN SAYO JANELLE?! HINDI AKO MALANDI!"-Alyssa

"Okay. Okay. If you say so. Dinedescribe ko lang kung ano ang nakikita ko. Tandaan mo alyssa. ako lang mahal. Kahit alam mo na ang totoo, nagpapakatanga ka pa din."

"ILAN BESES KO BANG SASABIHIN NA TAMA NA!"-Christian

Napatingin na lang kaming dalawa sakanya. Una niyang tinignan si alyssa.

"Pumasok ka na alyssa."-Christian

Hindi na siya tumingin pabalik saakin. Dumeretso na siya papasok sa eskwelahan. Wala na akong nagawa kundi umiyak.

"Bakit ka umiiyak?"-Christian

"Kasi ayaw ko sa lahat yung tinatalikuran ako. Christian masakit maiwanan. Ayoko kitang papiliin dahil alam kong mahihirapan ka lang. Ayoko siyang awayin pero gumagawa siya ng dahilan para hindi ko siya magustuuhan."

"Okay lang yun janelle. Naiintindihan ko naman eh. Parehas lang tayo. Hayaan mo lang na kausapin ko siya bukas."-Christian

"Sige. Mauna na ako. Baka malate pa ako"

"Ihahatid na kita."-Christian

"Wag na. Kaya ko na."

"Sure ka?"-Christian

"Oo"

Bago ako umalis hinalikan ko muna siya sa labi at niyakap tsaka ko tuluyang tinalikuran siya.

My One And Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon