CHAPTER 18

31 0 0
                                    

"Guys! Ako na lang bibili ng lunch niyo." Sabi ni gab sa gurpo habang nagstreching

''Libre mo?''Natutuwang tanong ni pauline with matching clapping of hands pa

Kumunot ang noo ni gab at tinitigan si Pauline "Hindi! Isulat niyo sa isang papel kung ano gusto niyo at kung ano pwedeng ibang bilhin kung sakaling wala yung gusto niyo."

"Akala ko pa naman manglilibre" bulong ni Pauline sa sarili habang ito ay nakatingin sa sahig

''Ano pauline?'' Tanong ni gab kay pauline

Napatingala si pauline kay gab at nagsmile ''Wala''

''Ano kakainin niyo?'' Tanong ni Pauline sa grupo

''Kaming dalawa ni daphne tig dalawa kaming hotdog sandwhich tsaka smart c''sabi ni lanz kay pauline habang pinagpapatuloy ang ginagawa

''Ako isang burger tsaka isang egg sandwhich para kay alyssa tapos dalawang smart c'' Sabay bigay ni christian ng pera kay pauline

''ililibre mo siya?"Pagkagulat na tanong ni Pauline

Hindi na sumagot si christian at tumungo lang ito.

''Ito yung saamin'' Sabay abot din ni lanz ng pera kay Pauline

"Ililibre mo din siya?" Pagkagulat na tanong ulit ni pauline

''Oo'' Siretsong sagot ni lanz at pinagpatuloy na ulit ang kanyang ginagawa

''Buti pa kayo'' Mahinang sabi ni Pauline

''Pauline samahan mo ako'' Pagyaya ni gab kay pauline

''Saan ?'' Pagtatakang tanong ni pauline pero hindi niya tiningala si gab

''Canteen malamang makakabili ba tayo ng pagkain sa CR'' Pabalang na sabi ni gab

Kumunot lang ang noo ni pauline at dumiretso na labas sa classroom ni hinding plinanong hintayin si gab agad naman tumakbo si gab palabas ng classroom para sundan si pauline

''Cr lang ako'' Paalam ni daphne saaamin

''Ako din'' Sabi naman ni lanz na agad tumayo at sinabayan si daphne sa paglabas ng classroom

Si alyssa at christian na lang ang natira sa classroom pero walang nagsalita sakanilang dalawa. Makalipas ang ialang minuto ay kinalabit ni christian si alyssa sa likod pero hindi ito lumingon napagtanto ni christian na galit ang kaibigan niya sakanya.

''Alyssa?'' Mahinang tawag ni christian sa kaibigan

Pero hindi pa rin nilingon ni alyssa si christian at nagpatuloy lang sa ginagawa

''Alyssa?'' Medyo lumakas ang tono ng boses ni christian sa pangalawang ulit niyang tawag sa kaibigan

Pero hindi pa rin ito lumilingon

''Alyssa galit ka ba saakin?'' Tanong ni christian na may pagaalala sa boses

Pero hindi pa rin ito sinagot ni alyssa

''Alyssa ano ba?!'' Pasigaw na tanong ni christian kay alyssa

Pero kahit ilan beses na niya ito tanongin hindi pa rin nito sinasagot si christian. Hinawakan ni christian ang braso ni alyssa pero hinawa ito bigla ni alyssa at sa pagkakataong ito at tumungin na si alyssa sakanya na may galita sa mata.

''Anong problema?''

Hindi muna sumagot si alyssa kay christian dahil napangunahan na ito ng luha. Tumulo ang mga luha ni Alyssa tsaka niya lang sinagot si Christian

''ANONG PROBLEMA?! ANONG PROBLEMA?! SA TINGIN MO CHRISTIAN ANONG PROBLEMA?! CHRISTIAN INAMIN KO SAYO NA MAHAL KITA SINABI MO DIN SAAKIN NA MAHAL MO AKO! HINALIKAN MO PA NGA AKO NUNG ARAW NA YUN SA LABI, DIBA?! PERO ANO ITO? BAKIT MALALAMAN KO NA LANG NA MAY GIRLFRIEND KA!! HINDI LANG KITA MAHAL DAHIL BEST FRIEND KITA! MAHAL KITA HIGIT PA DUN! CHRISTIAN! NASASAKTAN AKO!!! NGAYON ALAM MO NA KUNG ANONG PROBLEMA!!?" Patuloy ang pagagos ng mga luha sa mata ni Alyssa at hindi na siya nakapagpigil ay tumakbo na ito palabas ng classroom.

Hindi na nakasagot si Christian dahil sa mga sinabi ng kanyang kaibigan. Natauhan na lang ito ng biglang nagsalita si lanz sa may pinto.

''Dude! Anong nangyare? Bakit umiiyak si Alyssa?" Pagtatakang tanong ni lanz kay Christian

Pero tinitigan lang ni Christian si lanz sa may pinto dahil nabigla siya sa mga sinabi ni Alyssa sakanya.

My One And Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon