CHAPTER 11

39 0 1
                                    

"Guys! Si chritian at si lanz na lang naman ang kulang natin. Diba?'' Tanong ni gab sa mga kabigan niyang babae

''Si lanz papunta na daw'' Sabi ni daphne kay gab

''Eh si chritian alyssa papunta na ba siya?'' Tanong ni gab kay alyssa

''Hindi ko alam'' Matamlay na sagot ni alyssa kay gab

"Oh! Ayan na pala si lanz" Turo ni Pauline sa lalakeng papalapit sakanila

''Sorry na late ako.'' Hingal na sinabi ni lanz

''Okay lang. Wala pa naman si chritian'' Sabi ni gab kay lanz habang hinahanda ang cassette na gagamitin namin sa practice

''Saan ka galing?'' Tanong ni daphne kay lanz

''Huh?'' Pagtatakang tanong ni lanz kay daphne

'' Bakit nalate ka?''

''Nalate akong gumising. Bakit?"

"Wala lang" Nakayukong sabi ni daphne kay lanz

''Uy! May mabubuong loveteam ba dito ngaon?'' Pangaasar ni Pauline kay daphne at lanz

''Pauline!'' Pagsigaw ni daphne kay pauline

''Eh bakit namumula ka?'' Asar naman ni alyssa kay daphne

''Pati ba naman ikaw alyssa'' Nakataas na ang isang kilay ni daphne ng sinabi niya yun sa dalawang kaibigan

''Daphne at lanz sitting on a tree! K-I-S-S-I-N-G!" Kanta ni Pauline at Alyssa kay daphne with matching actions pa

"Bahala nga kayo jaan." Umalis na si daphne at tinulungan na lang si gab sa paghahanda ng cassette

Lumapit naman ang dalawa kay lanz

"Lanz?" Tawag ni Pauline kay lanz

''Bakit?''

Nagulat naman si lanz sa ginawa ni pauline dahil hinatak niya ito sa pinakagilid ng garden

''Ano bang problema niyong dalawa?'' Pagtataka ni lanz dahil sa inaasta ng dalwang kaibigan

''Umamin na ba sayo si daphne?'' Unang nagtanong si pauline

''Nililigawan mo na ba siya?'' Sunod na tanong naman ni Alyssa

''Ha? Ano bang mga pinagsasabi niyo?'' Nagtatakang tanong ni lanz sa Dalawa

''So? Ibig sabihin wala pa?" Matamlay na sabi ni Pauline habang nakatingin kay lanz

"Anong wala pa?"

"Wala pang namumuong feelings?" Si Alyssa naman ngayon ang nagtanong

Tumahimik lang si lanz at iniwas ang tingin sa dalawa

"Oh?! Bakit hindi ka na sumagot diyan?" Tanong ni Pauline habng niyuyugyog si lanz

''Guys? '' Natigil si pauline sa pagyuyugyog kay lanz ng biglang tawagin sila ni gab

''Nanjaan na si chritian may-'' Hindi na natapos ni gab ang sasabihin dahil bigla siyang nilapitan ni alyssa

''Talaga?'' Hindi na hinintay ni alyssa ang sasagot ni gab at tumakbo na papunta sa part ng garden kung saan sila magprapractice

''Tara na.'' Pagaya ni gab kay Pauline at lanz

Mabilis na tumakbo si Alyssa dahil excited siyang Makita ang mahal niya pero bigla siyang napatigil dahil sa nakita niya

''Oh? Alyssa. Bak-" Hindi na natapos ni Pauline ang sasabihin dahil nagulat din ito sa nakita niya

''Oh! Sino yan chritian?'' tanong ni lanz na ngayon ay papalapit na kay chritian at sa babeng kahawak kamay ni chritian

''Si Chelsea girlfriend ko'' Sabi ni chritian na sobrang ngiti halos umabot na ito sakanyang tenga

Lumapit na din si gab kay christian at chelsea pero si daphne ay lumapit sa kabigan na si alyssa

''Wow! Kelan pa?'' Tuwang tuwa sabi ni gab sa dalawa

''Kaninag umaga lang'' Sagit ni chelsea kay gab habang hawak hawak pa rin ang kamay ni christian

''Congrats!'' sabi ni gab sa dalawa

''Alyssa?'' tawag ni chritian kay alyssa

Biglang natauhan si alyssa at lumapit na sa sa mga kaibigan niya at sa girlfriend ni christian sumunod na din si daphne at si pauline sa likod niya

''Ito nga pala si alyssa ang best friend ko sa grupo namin. Alyssa ito naman si chelsea ang girlfrend ko'' Habang sinasabi ni chritian ang mga salitang yun hindi man lang siyang magawan tignan ang kaibigan niya nanatili lang ang mata nito kay chelsea

''It's nice meeting you alyssa'' Masayang sabi ni chelsea at nilahad ang kamay

Tinignan lang ito ni Alyssa at hindi tinatanggap

''Ako nga pala si pauline'' Sabi ni pauline habang nakikipagshake hands kay chelsea

Si Pauline na lang ang tumanggap sa kamay ni chelsea dahil alam naman niyang wala sa katinuan ang kaibigan niya

''Ako naman si daphne'' Sabi naman ni daphne habang nakipagshake hands din kay chelsea

''Okay ka lang alyssa?'' Tanong ni lanz kay alyssa at lahat ng atensyon ay nasa kanya na

Inangat ni Alyssa ang ulo at tumingin kay lanz ''O-o okay lang ako'' nauutal nitong sagot. Pinilit niya ngumiti at tinignan niya si Christian " I'm happy for you" At tinugnan din si Chelsea "Nice meeting you"

Inakbayan ni lanz si Christian at si Chelsea "So? Dahil kayo na dapat tayong magcelebrate'' Sabi ni lanz habang nakatingin kay chritian

"Sure! Pagkatapos ng program natin magcecelebrate tayo." Pagsangayon naman ni gab sa naisip na idea ni lanz

''Teka lang! Legal na ba kayo?" tanong ni lanz kay Christian at tumungo naman ito

"Both?" Tanong naman ni gab kay Chelsea tumungo namam din ito.

"Then it's settle then!" Sabay naman na sabi ni lanz at gab

" Pupunta lang ako sa CR" sabi ni Alyssa at hindi na niya hinintay ang sagot ng mga kaibigan at tumakbo na palayo.

My One And Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon