"Anak? Nandito sila daphne at Pauline" Katok ng nanay ni Alyssa sakanyang pinto
"Papasukin mo na lang po sila mama" Matamlay na sagot ni Alyssa sakanyang nanay.
Agad naman bumukas ang pintuan ni Alyssa at agad niya naman nakita ang mukha ni Pauline na dumungaw sa pinto niya at tuluyan ng pumasok sa loob si daphne at Pauline.
"Okay ka lang?" Tanong ni Pauline habang papalapit sa kaibigan
Sinubsub na lang ni alyssa ang kanyang mukha sa unan at tuluyanan ng umiyak
''Alyssa?'' Nagaalang tawag ni daphne habang hinihimas ang likod ng kaibigan
''Pwede mo naman sabihin saamin ang narraamdaman mo'' Matamlay na sabi ni pauline
Inangat ni alyssa ang kanyang mukha at tumingin sa kanyang mga kaibigan ''Ang sakit kasi eh. Umasa akong mahal niya din ako. Sinabi niya eh. Hinalikan niya ako eh. Bakit ganon? Pinaasa niya lang ba ako? Akala ko hindi niya ako kayang saktan. Pero ano ginagawa niya ngayon? Hindi niya bang nasasaktan ako?'' Matamlay na sabi ni Alyssa habang nakhiga pa rin
''Alyssa?'' Matamlay na tawag ni Pauline kay Alyssa
Umupo na si Alyssa sa kanyang kama habang yakap yakap ang kanyang hita nakatingin lang ito sa kanyang kaibigan pero hindi sumagot sa pagkatawag ni Pauline
''Meroon kaming aaminin sayo."
'Ano yun?" Matamlay na sabi ni Alyssa habang pinupunasan ang mga luha sakanyang pisngi
''Alam naming.."
"Na ano?"
"Na may nililigiwan si chritian."
Nanlaki ang mata ni Alyssa sa sinabi ni Pauline at nagsimula ulit mamuo ang mga luha saknayang mata ''Bakit hindi niyo sinabi saakin?''
''Ang sabi kasi ni chritian siya na daw bahalang magsabi sayo.'' Sabi ni daphne habang hinihimas pa rin ang likod ng kanyang kaibigan
''Akala kasi namin alam mo na kaya ka tahimik this past few days.'' Sabi naman ni Pauline habang hawak hawak ang kamay ng kabigan
Hindi na nakasalita si alysssa dahil sa mga nalalaman niya
''Alyssa sana wag kang magalit saamin dahil hindi namin sinabi sayo kasi akala takaga namin alam mo na.'' Nagaalalang sabi ni pauline
''Okay lang. Hindi ko kayo sinisisi. Siguro ayaw niya lang talaga sabihin saakin dahil ayaw niyang magalit ako sakanya. O baka ayaw niya lang talaga na malaman ko na may iba siyang minamahal.'' Mahinahon na sabi ni alyssa
''Sorry talaga alyssa'' Nahihiyang sabi ni daphne
''Hindi niyo naman kasalanan eh.''
''Papasok ka ba byukas?" Tanong ni daphne kay Alyssa
''Ayoko na muna Makita ang pagmumukha niya."
"Sige. Sasabihin na lang naming sayo kung ano ang mga assignments." Sabi ni Pauline habang nakangiti sa kabigan
"Sige sige. Salamat" Ngiti naman ni Alyssa sa dalwa niyang kaibigan
''Halika nga dito.'' Masayang sabi ni daphne at niyakap ang kanyang kaibigan
''Uy! Sama ako'' Sabi naman ni pauline
Nagyakapan ang tatlong magkaibigan at sabay sabay tumawa sa isat isa
BINABASA MO ANG
My One And Only You
FantasyWhy did you choose a stranger? Instead of your Best fiend.