Christian POV
Papunta ako sa bahay nila chelsea ngayon para sunduin siya. Maguusap daw kami dahil sa inasta ko kahapon.
*DING DONG*
Isa sa mga yaya nila ang nagbukas ng gate
"Good Morning po sir"
"Good Morning. Nandiyan ba si chelsea?"
"Opo sir. Wait lang po sir. Tatawagin ko lang po si ma'am"
Mga ilang minuto din ako naghintay bago lumabas si chelsea
"Hi baby!"
"Tara na."
Inalalayan ko siya sa pagsakay sa kotse ko. Pinagbuksan ng pinto bago tumungo sa driver's seat.
"Saan tayo?"
"Sa park"
"Saan park?"
"Sa park na walang masyadong tao."
"Ano na naman ba ito chelsea?"
"Diba sinabi ko na sayo na maguusap tayo."
Alam kong galit pa din siya saakin dahil si alyssa ang inuna ko kase sakanya. Oo gf ko siya pero kailangan ako ng kaibgan ko nung oras at panahon na yun. Sana naman maintindihan niya yun. Isang oras din ako nagdrive ng makarating sa park na hindi masyado kilala kaya wala masyadong tao dito. Ng makapark na ako hindi na niya ako hinintay na pagbuksan siya ng pinto tuloy tuloy siyang naglakad sa may swing. Sinigurado ko muna na nakapark ng maayos yung kotse tsaka bumaba at nilock yun tapos sinundan si chelsea sa may swing. Umupo ako sa kabilang swing pero sa ibang way ako nakatingin.
"Mahal mo na ba siya?" Panimula niya.
"Mahal ko siya bilang kaibigan."
" Eh bakit kahapon mas pinili mo pa siya kesa saakin?"
"Kasi hinid maayos ang kalagayan niya"
"Hindi maayos ang kalagayan? Nakapasok nga siya christian eh! Tapos hindi maayos ang kalagayan?!"
"Hindi mo ba napansin ang mata niya? Alam ko at ramdam ko na kahit pumasok siya hindi pa din siya okay."
"why do i need to look at her eyes? She's not even worth my time"
"Well! She's worth of my time."
"And I'm not?"
"Yes you are worth my time gf kita, ano ba iniisip mo?"
"Talikuran mo siya christian."
"Ano Chelsea?"
"Inuutusan kitang talikuran mo siya bilang kaibigan mo"
"Naririnig mo ba sarili mo chelsea?"
"Kung mas importante ako christian ako pipiliin mo. Ngayon kung mas lamang siya saakin kalimutan na natin na tayo."
"Ano bang problema mo chelsea?"
"IKAW AT SIYA! NAGSESELOS AKO CHRISTIAN" Hindi na niya napigilan ang emosyon niya kaya tumayo na siya sa harap ako at nagsimulang umiyak
Tumayo na din ako para makapagusap kami ng maayos " Wala ka dapat ikaselos kay alyssa. kababata ko siya. Simula palang nung bata kami. Siya na lagi kong kasama. Bago ka dumating sa buhay ko nandiyan na siya. Kaya wag mo aong susubukan na papiliin dahil masasaktan ka sa magiging desisyon ko"
"THAT BITCH LIKES YOU CHRISTIAN! LANG MANHID MO KUNG HINDI MO MAN YUN MARAMDAMAN! GUSTO KA NIYA! MAY NARARAMDAMAN SIYA SAYO! WHAT DO YOU EXPECT ME TO DO?! HAYAAN NA LANG YUN!"
"YAAN ANG HINDI KO MAPAPALAGPAS CHELSEA ANG TAWAGIN MONG BITCH SI ALYSSA!"
"So? Mas pinipili mo nga siya?"
"Oo"
Hindi na siya sumagot tumalikod na siya saakin at naglakad palayo.

BINABASA MO ANG
My One And Only You
FantasíaWhy did you choose a stranger? Instead of your Best fiend.