Alyssa POV
"Anak nasa baba si christian"-Mama
"Sige mama. Baba na lang po ako."
Nagpalit lang ak ng damit at bumaba na.
"Ano ginagawa mo dito?"
"Pwede ka ba maimbitahan lumabas?"-Christian
"Ayoko. Baka malaman na naman it-"
"Alam ni janelle na lalabas tayong dalawa."-Christian
"Okay. Mama? Lalabas lang po kami ni christian."
"Sige.Bumalik kaagad ha. Gabi na. Magingat kayo."-Mama
"Opo"
Ng makalabas kami ng bahay. Wala na muna nagsalita saamin dalawa. Sinundan ko lang siya sa park kung saan kami nagusap ni janelle. Umupo siya sa isang swing ako naman sa kabila.
"Sorry nag pala kaninang umaga."-Christian
"Kahit naman ako ganon gagawin ko eh. Naiintindihan ko naman si janelle ayaw niya lang mawala ka sakanya."
"Alam kong nahihirapan ka na sa sitwasyon na ito. Sorry din about dun."-Christian
"Okay lang"
"Alam kong nasasaktan din kita ngayon. Sorry din."-Christian
Hindi na ako nagsalita. Hinayaan ko na lang siya patapusin.
"At alam kong masasaktan ka sa gagawin kong decision."-Christian
Napatingin ako sakanya. Anong decision? Bakit ako masasaktan? Tatalikuran niya na ba ako?
"Sorry alyssa pero ang nakikita ko lang paraan para hindi ka na masaktan ay magkalimutan na muna tayo."-Christian
Hindi ko alam kung ano irereact ko. Tama ba yung narinig ko? Kalimutan na muna namin ang isa't isa?
"Alyssa sorry"-Christian
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Naiyak na ako. "Naririnig mo ba yung sarili mo christian? Kalimutan natin ang matagal natin pinagsamahan? Christian?! Ang dali mo naman sabihin na kalimutan natin ang pinagsamahan natin. It's been like what? 17 years that i'm with you. Okay lang sana. kung 2 or 1 year lang tayo nagsama kaso hindi eh. Simile pagkabata ikaw na lang kaibigan ko! Tapos tatalikuran mo na lang ako?!"
"Alyssa mahal ko si janelle."-Chritian
"Sapat na yung dahilan na yun para iwan ako?"
"Alam kong hindi pero sana naman maintindihan mo."-Christian
"Ang ano christian?! Na mahal mo siya kaya mo ako tatalikuran?! Na mas mahalaga siya sayo kaya mo iiwan?!"
"Mahal ko kayong dalawa kaya ko ito ginagawa para hindi ka na masaktan."-Christian
"Bakit?! Ano sa tingin mo yung ginagawa mo ngayon christian?! Sa tingin mo ba natutuwa ako?! Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan?!"
"Alam kong masasaktan ka pero alam ko din naman na gagaling yan sakit na nararamdaman mo. Mas pipiliin ko ang panandalian na masaktan ka kesa naman makita kang araw araw na sasaktan!"-Christian
"Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin christian?"
"Sorry alyssa."-Christian
"Alam mo sa umpisa palang na si janelle na ang nilalaman ng puso ko."-Christian
"Sana naman hinanda mo ako sa ganitong sitwasyon christian para hindi na tayo humahaba ang usapan natin ngayon. Sana hindi mo pinaramdam saakin na may pagasa ako."
"Sorry alyssa"-Christian
"Sana mawala yung sakit na nararamdaman ko sa isang sorry mo lang."
"Alam kong hindi sapat ang sorry ko pero sana maintindihan mo ako alyssa. Mahal kita kaya ayaw kong nakikita kang araw araw na nasasaktan."-Christian
"Okay lang christian. Lagi ko naman kailangan intindihin ka. Maraming sa salamat. Sana hindi ka magsisi sa ginawa mong decision. Lagi mo lang sannag tatandaan na mahal na mahal kita. Lagi kang magiingat."
Tinalikuran ko na siya. Hindi ko na kaya pero bago pa ako tuluyang makaalis humarap ako sakanya sa huling pagkakataon. Umiiyak na din siya. Alam ko naman na nahihirapan din siya. Siguro para din naman ito saakin.
"Paalam"
BINABASA MO ANG
My One And Only You
FantasyWhy did you choose a stranger? Instead of your Best fiend.