CHAPTER 45

13 0 0
                                    

Alyssa POV

*KNOCK KNOCK*

" Pasok"

Bumukas yung pinto ng kwarto at si mama pala yung kumatok

"Bakit ma?"

"Magayos ka. Kailangan ka ni christian"

"Paano mo naman nalaman mama?" Nakakapagtaka ito si mama ah. Paano niya nalaman na kailangan ako ngayon ni christian."

"Nandiyan siya sa baba hinihintay ka. Pinaalam ka kung pwede kayo lumabas saglit. Mukhang kakatapos lang umiyak."

Hindi na ako sumagot kay mama at tumungo na sa CR para magpalit ng damit. Mag ilang minuto ay bumaba na ako at nagpaalam kela mama na aalis na ako. Nakita ko siya na nakasandal sa kotse niy. Sinarado ko yung gate at agad agad na niyakap siya.

"Okay ka lang?"

"Okay lang ako pero yung taong mahal ko hindi."

"Sino?"

"Si chelsea" Feeler ko talaga nageexpect ako na ako yung sasabihin niya.

"Bakit ano nangyare?"

"Ikukwento ko sayo pagdating natin sa tambayan."

"Okay" Ngayon ko lang siya nakitang malungkot at matamlay. Ano kaya nangyare?

Mga ilang minuto nakadating na kami sa lugar na madalas namin pinagtatambayan kapag may problema kami nakakarelax kasi dito. Ilang years na din kami hindi nakakapunta dito. Pinagbuksan niya ako ng pinto at umupo kami sa likod ng kotse niya.

"Kwento na"

"Pinapili ako ni chelsea kung sino sainyong dalawa."

"Oh? Ha? bakit daw?"

"Nagseselos siya sayo"

"huh?"

"Dahil sa nangyare kahapon."

"Sus! Parang yun lang?"

"Yes"

"Tutal kapag ako naman nasa posisyon ni chelsea magseselos naman din ako" Bulong ko sa sarili ko pero sa tingin ko narinig niya hindi niya lang naintindihan

"May sinasabi ka ba alyssa?"

"Huh? Wala ah."

"Nga pala may ginagawa ka ba kanina? Sorry kung naistorbo kita."

"Kelan ka ba nakaistorbo?"

"Baka kasi may importante lang ginagawa"

"Meroon pa bang masiimportante sa kaibigan ko?"

"Ikaw talaga" Inakbayan niya ako hiniga ko naman ang ulo ko sa balikat niya pinatong naman niya ang ulo niya sa ulo ko.

"Sino nga pala pinili mo?" Kinakabahan ako. Baka kasi magpapaalam na siya. Kakayanin ko ba? Sa tingin ko hindi ko kaya.

"Ikaw" Huh? totoo ba yung narinig ko? Ako pinili niya? Shet! Pero bakit?

"Bakit ako?"

"Mas importante ka saakin."

Magiging masama ba akong kaibigan kung nakakaramdam ako ng saya dahil sa mga sinasabi ng mahal ko kahit alam kong nasasaktan siya. "Tinalikuran mo ang kasiyahan mo?"

"Hindi. Kayo at ikaw naman ang kasiyahan ko" Ayoko na. Buti na lang hindi niya nakikita na pulang pula na mukha ko.

"Bakit ka nalulungkot?"

"Ayoko kasing nakasakit ako ng tao. Na sa tingn ko umasa na mamahalin ko siya habang buhay. May mga pangako din kasi ako sakanya na hindi na matutupad ngayon"

"Ah" Wala akong masagot. Tutal kung ako naman din si chelsea ang sakit nga naman kung mangangako siya tapos isang iglap hindi na pwede matupad.

"Pero masaya ako na kasama kita ngayon. Ang tagal na din na panahon simula nung nasolo kita. Lilipas din ito. Makakamove on din kami sa lahat ng nangyare"

"Nandito lang ako para sayo"

My One And Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon