Nagising si Christian ng makarating sila sa lugar na kanilang pagwimmingan. Tumulong si Christian sa pagbubuhat ng gamit nila papaunta sa cottage at sa kanilang kwarto kumuha sila ng dalawang malalaking kwarto isa mga teenager at isa sa mga matatanda. Pagkatapos tumulong ni Christian sa pagbubuhat ay bigla niyang naalala ang hindi natuloy na pagreply kay Alyssa. Pumunta muna ito kanilang kwarto tsaka agad niyang kinuha ng kanyang cellphone sa kanyang bulsa at nakita dun ang 5 missed call at 10 text na lahat ay galling kay Chelsea.
Chelsea:
Baby?
Baby? Nakaalis na ba kayo?
Baby? Nasaan na po kayo?
Kumain ka na ba?
Ano na gawa mo baby?
Baby? May ginagawa ka ba?
Baby? Bsuy ka ba?
Baby? Bakit hindi ka na ulit nagreply?
Baby? Sino nga pala mga kasama niyo?
Baby?
Agad naman ito nireplayan ni Christian ng matapos niyang basahin ang mga text ng kanyang girlfriend.
Christian to Chelsea:
Sorry baby nakatulog ako sa byahe. Tsaka tumulong po kasi ako sa pagbubuhat ng mga gamit naming papuntang cottage. Mga pinsan lang at isang pamilya ng kaibigan ni dad, Ikaw? Kumain ka na ba?
Christian to Alyssa:
Galit ka ba saakin?
Biglang nakaramdam ng kaba si Christian sa naging tanong niya kay Alyssa dahil ramdam niyang lumalayo na ang loob ng kanyang kaibigan.
Agad naman siya nakarecieve ng reply galling kay Alyssa
Alyssa:
Hindi. Bakit naman ako magagalit?
Hindi nakuntento si Christian sa sagot ni Alyssa kaya tinawagan na niya ito na agad naman sinagot ni Alyssa.
"Hello" Panimula ni Alyssa
"Hi"
"Bakit ka napatawag?" Tanong ni Alyssa
"Anong problema?"
"Anong ano problema?" Pagtatakang tanong naman ni Alyssa
"Nilalayuan mo ba ako?"
''Hindi. Bakit kita lalayuan ? ''
''Wala lang.''
''Ingat ka diyan''
''Salamat nga pala baba ko na ito magpapalit pa ako ng damit. Bye.''
''Bye.''
Pero bago pa muna ito binaba ni christian ''I love you''
''I love you too''
Tsaka lang ito binaba ni Christian nakaramdam naman ng saya si Christian dahil alam niyang mahal pa rin siya ng kanyang kaibigan. Pagkatapos ng kanilang uisapan ay agad na itong nagpalit ng damit para makapaghanda na mamaya sa kanilang paglangoy ng kanyang mga pinsan.
BINABASA MO ANG
My One And Only You
FantasyWhy did you choose a stranger? Instead of your Best fiend.