CHAPTER 23

30 0 0
                                    

"Ang bilis ng panahon at 3 months na sila'' Sabi ni gab habang nakatingin sa screen ng kanyang ipad

''Paano mo nalaman gab?" Pagtatakang tanong nama ni Pauline

Agad na ipinakita ni gab ang kanyang ipad sakanyang mga kaibigan.

''Oo nga nu'' Sabi naman ni daphne ng makita ang post ni chelsea sa wall ni christian

Chelsea :

Happy 3rd monthsary baby. Stay strong saatin dalawa. Sorry nga pala at hindi naging maganda ang second monthsary natin pero babawi ako sayo ngayon. Please wag kang malalate sa lugar na pagkikitaan natin. Ingat ka din. I love you! :*

"Tignan mo may nakalagay din na pictures." Pagturo naman ni Pauline sa mga nakacollage na pictures ni Chelsea at ni Christian

"Huy! May nasasaktan ditto." Sabay turo ni lanz kay Alyssa

Natauhan naman agad si Alyssa sa sinabi ni lanz

''Huh?'' Gulat na tanong ni alyssa sa mga kaibigan niya

''May problema ba alyssa?'' Pagaalalang tanong ni daphne kay alyssa

''Wala'' Pinilit ni alyssa na makumbinsi ang kaibigan na wala siyang problema pero nilapitnan agad siya ni pauline at niyakap na ang dahilan kung bakit siya biglang napaiyak

''Shhhhhh! Tahan na'' Sabi ni pauline habang hinihimas ang likod ng kaibigan

''tatlong buwan palang sila malay mo isang araw magbreak sila'' Sabi naman ni daphne habang yakap yakap din si alyssa

''Oo nga alyssa hindi pa naman sila kasal eh. Wag ka nga O.A.'' sabi ni lanz na agad niyang binawi dahil sa masamang tingin ni daphne "Ang ibig ko kasing sabihin na wag kang umiyak malay mo hindi pa ito ang oras para maging kayo malay mo madami lang kayong pagsubok na dadaanan bago maging kayo'' Sabi ni lanz sabay iwas ng tingin Kay alyssa

"Oo nga naman Alyssa just think of the positive thoughts" sabi naman ni gab habang inaayos na ang kanyang gamit

Tumigil naman agad si Alyssa sa pagkaiyak pero halata pa rin saknayang mata na malungkot siya

''Salamat guys'' Matamlay na sagot ni alyssa

Kinalas na ni daphne at pauline sa pagkayakap sa kaibigan at inayos na din ang kanilang mga gamit

''Nga pala alyssa nagpaalam na ba sayo si chrstian'' Pagtatanong ni gab kay alyssa

Agad naman tumingin si alyssa kay gab na ngayon ay nakatayo na.

''Na ano?" Pagtatakang taning ni Alyssa kay gab

"Mukhang hindi pa. Siya na bahala magsabi sayo bukas"

"Tung-" Hindi na natuloy ni Alyssa ang kanyang sasabihin dahil bigla na tumunog ag kanilang bell hudyat na tapos na ang kanilang break time

*RING RING*

"Tara na" Pagyaya ni lanz

Tahimik na naglalakad sa hallway sila gab,Alyssa, Pauline, daphne at lanz ng makarating na sila sa harap ng kanilang classroom ay agad na hinatak ni Alyssa ang braso ni gab. Napatingin naman agad si gab kay Alyssa nauna na ang iba nilang kaibigan na pumasok sa lob kaya silang dalawa na lang ang naiwan sa labas pati ang mga ibang estudyanteng naglalakad sa hallway.

"Gab ano ba yun?" Pagtatakang tanong ni Alyssa

"Yung ano?" Pagtataka naman din ni gab

"Yung sasabihin saakin ni Christian"

Binitawan na ni alyssa ang braso ni gab at tintigan ito. Pero ngumiti lang ito saknaya at ginulo ang kanyang buhok.

''Wala yun. Aalis lang siya''

My One And Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon