"Guys? Nakita niyo na ba si Christian?" Nagaalalang tanong ni alyssa sa kanyang mga kaibigan
''Hindi pa nga eh. '' Sagot naman ni pauline
''Kanina pa kami dito pero kahit anino niya wala pa din.'' Sabi naman ni lanz
''Hindi mo ba siya nakita sa mga late? '' Tanong naman ni daphne
''Hindi eh.''
''Baka naman ngayon maghalfday''Hula naman ni gab
''Hindi lang ikaw yung muhkang nagaalala kanina pa din pabalik balik si chelsea dito para silipin kung nandito na ba yung bf niya'' Sabi naman ni pauline habang nakatingin sa labas ng classroom nila
Napatingin na din sila Gab, Lanz, Daphne at alyssa at tama nga nandun nga si chelsea muhkang may tinitignan sa loob ng kanilang claaroom.
''Isa lang ang ibig sabihin niyan.'' Biglang salita naman ni lanz
''Pati si chelsea hindi alam kung papasok ba si christian ngayon?'' Patanong na sabi ni alyssa
''Tama ka jaan girl'' Sabi naman ni pauline habang nakatingin pa din sa labas
''Malay mo naman maghalfday'' Hula naman ni gab
''Mamaya na lang natin isipin kapag lunch break na natin'' Sabi naman ni alyssa na pilit ngumiti sa harap ng kanyang mga kaibigan
Tumunog na ang kanilang bell hudyat na magsisimula na ang kanilang klase.
--------
''Hindi ba siya nagtetext sainyo?'' Tanong ni Alyssa habang nakatingin sa kanyang mga kaibigan
''Hindi Alyssa eh'' Mahinahon na sagot ni Pauline
'' Unag break time palang naman natin Alyssa sabi mo mamaya na natin pagusapan kapag lunch break na.'' Sabi naman ni gab habang kinakain yung burger na kanyang inorder
''Sorry''
''Kumain ka na alyssa ito oh binilhan ka namin ng burger.'' Sabi ni daphne habang inaabot ang burger kay alyssa.
Kinuha naman agad ni alyssa at nilagay ito saknayang bag.
"Thank you. Mamaya ko na lang kakainin kapag nagutom ako.'' Matamlay na sabi ni Alyssa sakanyang mga kaibigan
*KRRRIIINNNNGGGG*
Sabay sabay silang tumayo dahil tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang kanilang unag break time.
---------
"Huy! Alyssa kumain ka na nga.'' Sabi ni lanz dahil kanina pa hindi mapakali si Alyssa sa kakatingin sa kanyang paligid
''Wala pa siya.'' Sabi naman ni Alyssa na tingin ng tingin pa din sakanyang paligid
"Kumain ka muna kaya bago ka tumingin tingin jaan sa tabi tabi'' Pagtataray naman ni Pauline
Tumingin lang si alyssa kay pauline at napabuntong hiningi tsaka kinuha ang burger na binigay kanina ni daphne.
"Alyssa!"
Bigla naman napatayo si Alyssa dahil may biglang humawaka sakanyan sa kanyang braso at hinatak siya patayo
"Anong problema mo?" Mahinanon na tanong ni Alyssa
"Tinext ka ba ni Christian na papasok siya ngayon?" Mahinahon na tanong din si Chelsea kay Alyssa
Binawi muna ni Alyssa ang kanyang braso bago sinagot si Chelsea
"Hindi."
"Wag mo nga akong lokohin!" Pasigaw na sabi ni Chelsea
"Diba ikaw tong girlfriend dapat ikaw ang nakakaalam kung papasok ba siya ngayon oh hindi" Pataray na sabi ni Pauline na ngayon ay nasa likod na ni Alyssa
Bigla na lang nagwalkout si chelsea pagkatapos magsalita si pauline
''Okay ka lang?'' Pagaalalang tanong ni daphne na ngayon at nasa likod na din ni alyssa
''Oo. Ngayon nagaalala na talaga ako pati si chelsea hindi alam kung papasok ba talaga siya'' Matamlay na sabi ni alyssa
''Okay lang siya wag kang magalala'' Sabi naman ni pauline na ngayon ay hinihimas ang likod ni alyssa
*KRRRIIINNNGGG*
Umalis na ang grupo nila alyssa agad sa cafeteria dahil tumunog na ang bell na hudyat na tapos na ang kanilang lunch break pero hanggang ngayon wala pa rin nagpaparamdam na christian

BINABASA MO ANG
My One And Only You
FantasyWhy did you choose a stranger? Instead of your Best fiend.