Christian POV
"Christian? Okay ka lang ba?"-Janelle
"Oo janelle. May iniisip lang."
"Ano naman ang iniisip mo?"
"hmmmmm" Hindi ko alma kung sasabihin ko ba saknya yung totoo pero ayoko naman magisip siya. Baka pagpiliin niya din ako katulad ng ginawa ni chelsea pero alam ko naman sa sarili ko na siya yung pipiliin ko alam ko naman maiintindihan ako ni alyssa. Alam niyang matagal ko ng pinapangarap si janelle.
"Okay lang kung hindi mo sabihin"
"Hindi. Nagiisip kasi ako ng steps para mamaya, May practice kami. diba?"
"Ahh. Okay."
Ngumiti naman siya saakin tsaka ulit kumain. Nandito kami sa labas ng school nila. Magkaiba kami ng school kaya simula nung naging kami lagi ko siyang hinihintay dito sa labas ng school nila para sabay kaming kumain. Buti na lang at naniwala siya sa sinabi ko.
"Masasamahan mo ba ako mamaya?"
"Saan?"-Janelle
"Sa practice namin"
"Oo naman"
Ngumiti na naman siya saakin. Yaan ang gusto ko sakanya hindi niya iniisip ang ibang tao basta alam niyang kasama niya ako wala siyang pakealam pero alam ko naman na nasasaktan siya kapag kasama namin yung mga kaibgan ko lalo na kapag nandiyan si alyssa.
"3:00 na. Pumasok ka na sa last class mo. Susunduin na lang ulit kita."
"Okay. Magingat ka ha. Text mo ako kapag nasa school ka na."-Janelle
"Okay"
Bago ko siya umalis hinalikan niya muna ako sa pisngi. Habang hinihintay ko siya makapasok ulit sa school nila bigla ko na lang naiisip na sinong tanga ang papakawalan pa ang isang babae na katulad niya. Ang tagal ko siyang hinintay. Nagmahal na ako ng iba pero siya pa din ang nilalaman ng puso ko. Bago siya tuluyan pumasok sa school nila humarap ulit siya saakin at kumaway. Haaaayyss! Mahal na mahal ko na talaga itong babae na ito. Hindi ko siyang talikuran. Kahit si alyssa pa ang tatalikuran ko gagawin ko wag lang mawala ang taong mahal ko at matagal ko ng hinintay. Alam kong masasaktan ko siya pero sana naman maintindihan niya ng nakapasok na siya sa school nila. Bumalik na ulit ako sa eskwelahan ko. Malapit lang ang school namin kaya madali ko lang siya napupuntahan.
----
"Christian? May practice tayo ha."-Gab
"Oo alam ko gab. Susunduin ko lang si janelle."
"Sasama mo ba siya?"-Gab
Pagkabanggit ko palang ng pangalan niya bigla na lang nagiba ang expression ni gab. Alam ko naman na masasaktan si alyssa dahil kasama ko si janelle.
"Oo"
"Sige ingat kayo. Dun tayo magprapractice sa park malapit sa school alam mo naman yun. Diba?"-Gab
"Oo. Sige. Mauna na ako"
"Ingat"-Gab
Nauna na ako kay gab. Hindi pumasok si alyssa. Ano kaya nangyari dun? Sana okay lang siya ng makarating ako sa school ni janelle nakita ko agad siya sa may gate nila hinihintay ako.
"Baby?"
"Hi baby!"-Janelle
Sinalubong niya ako ng yakap. Niyakap ko naman siya pabalik.
"Kanina ka pa ba?"
"Hindi kakalabas ko lang."-Janelle
"Ah. Gutom ka na ba?"
"Hindi pa. Tara na. Baka malate ka pa sa practice niyo."-Janelle
Kinuha ko yung mga librong dala niya at hinawakan yung kamay niya habang naglalakad kami. Mga 20 mins din kami naglakad papunta sa park na sinasabi ni gab ng makarating kami sa park nakita naman namin agad sila gab pero nakakapagtaka bakit bigla silang naging 6.
"Nandito ka na pala christian."-Gab
Tama ba itong nakikita ko?
"Hi christian"
"Hello"
"Oh? Lapag no muna mga gamit niyo dun"-Gab
Turo ni gab sa may bench kung nasaan din yung mga gamit nila.
"Okay ka lang?"-Janelle
"O-oo"
"Seems not."-Janelle
Maya na lang tayo usap. Jaan ka muna ha. Practice lang kami.
"Sige"
Bago ako tumalikod sakanya hinalikan ko muna siya sa noo tsaka ko binalikan sila gab.
"Naaalala mo pa ba siya christian?"-Lanz
"Oo naman"
"Long time no see pare"
Nakipaghigh five siya saakin. Wala pa din siya pinagbago
"Sino nga pala kasama mo?"
"Si alyssa."
"Nagkakausap pa kayo?"
"Oo naman"
"Bakit christian? Hindi ka ba makapaniwala na nagkakausap pa din kamii"-Alyssa
Bakit parang maykakaiba sa dalawang ito. Ano meroon?
"Hindi naman. Well! Let's start? It's nice to see you again kevin."
BINABASA MO ANG
My One And Only You
FantasyWhy did you choose a stranger? Instead of your Best fiend.