Prologue

224 14 14
                                    

Prologue

Binuksan niya ang sealed envelope at tumambad sa kaniya ang itim na insigniang nakalagay sa papel. Gaya rin ito ng ng maliit na tattoo na nakatago sa katawan nila. 'Go on with it. Tell that person I want positive results this instant.'

Noong araw ding iyon ay nakuha niya ang sulat na iyon galing sa messenger nila. Kahit wala mang sender address ay alam na niya kung kanino iyon galing at kung para kanino ang mensaheng iyon. Pagkabasang-pagkabasa ay dali-dali niyang pinuntahan ang may-ari at binigay iyon.

"Mensahe para sa'yo," ang pambungad na bati niya dito saka inabot ang papel.

Binasa naman nito agad ang sulat at tinaasan siya ng kilay. "Wala ba siyang tiwala sa akin?"

"Hindi sa ganun, pero ang tagal mo kasing gumalaw. Halos isang buwan na rin ang nakakaraan simula nung kumilos ka. Alam mo naman yun, gusto laging madalian ang lahat ng bagay."

"Oo na, oo na. Gagawin ko na. Now scoot away." Tumalikod ito at binaling ang paningin sa harapan kahit wala pang tao doon maliban sa kanila. Pinunit nito ang mensaheng natanggap at sinunog ito sa fireplace. Iwas ebidensya.

Makalipas ang ilang minuto ng katahimikan ay nagsidatingan na ang mga katrabaho nila. Bumalik siya sa inuupuan at nginitian ang mga bagong dating. Game face on.

---

Book 2 of EfEP is on! Please don't read this until you've finished book 1. Thanks!

Coveted (EfEP #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon