Chapter 25: Bittersweet torture and unclear futures
"Ano bang nakain ni Nana at naisipan niya 'to?" tanong ni Hannah ngayong naglalakad silang dalawa ni Chan Lien habang nakasunod sa 'di kalayuan ang isang Do Kyungsoo na bagot ang hitsura.
"Segurista yun kaya siguro ito yung pinagawa sa ex niya. At talagang kami pa ni Yeol ang ginawang boss ng lalaki niya," sagot ni Chan Lien na naiiling.
"Bakit hindi na lang siya sumunod sa lakad ni Chanyeol? Hindi ako komportable na may nakasunod sa'tin. Feeling ko may personal knight sa likod ko."
"Talagang tinatanong mo pa 'yan, Han? Syempre baka mabaon lang niya ng buhay si Yeol dahil siguradong pagtitripan siya nun." Umakbay ito sa girlfriend at giniya ito sa pinakamalapit na restaurant. "'Wag mo na siyang pansinin muna. Date natin 'to kaya sa'kin lang muna ang atensyon mo."
Natawa si Hannah at nagpatianod na lang dito.
**
Papasok na rin sana ng restaurant si Kyungsoo noong makatanggap siya ng tawag. Agad niyang tinignan kung sino ang caller at dumilim ang mukha niya ng makita ang caller ID.
Huminga muna siya ng malalim para pakalmahin ang sarili bago sinagot ang tawag. "Anong kailangan mo?"
[Good morning din, D.O. Nasaan ka ngayon?] masiglang bati ni Chanyeol na parang hindi narinig ang walang ganang boses niya.
"Mall. Nandito rin yung kapatid mo. Bakit?"
[Okay. See you!] Saka nito binaba ang tawag.
Kunot-noo niyang tinignan ang phone. May masama siyang pakiramdam sa pagtawag nito pero pinagkibit balikat niya na lang iyon at pumasok na ng restaurant. Pumwesto siya tatlong lamesa mula sa kinauupuan ng dalawa.
Nag-order na rin siya ng makakain at tumunganga lang sa painting na nasa gilid niya. Ang tagal matapos ng araw na 'to.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin ang order at sisimulan na sana niyang kainin ito noong magring ang phone niya. Binasa niya ang text ni Chanyeol na pinapaalam na nasa mall na ito at nagtatanong kung saan siya banda. Sinabi niya dito ang pangalan ng restaurant at binalik na ang atensyon sa pagkain.
Nakakadalawang subo pa lang siya ng pasta noong marinig niya ang malakas na boses ni Chanyeol. Hindi niya ito pinansin kahit pa noong tinawag nito ang pangalan niya. Saka lang niya ito pinatuunan ng pansin noong maupo ito sa mismong table at sa tabi pa talaga niya.
Tinanguan niya muna si Liza bilang pagbati at saka tinignan ng masama ang lalaking kasama nito. "Anong ginagawa mo dito?"
"Naisipan ko lang na mas masaya kapag double date kaya sasamahan ko sina Lien," sagot nito habang nakangiti ng malapad sa kaniya at saka nilakasan ang boses para tawagin ang kapatid. "Yo, Lien!"
Nilingon ito ni Chan Lien. "Chanyeol..." Saglit nitong pinagmasdan si D.O na tahimik lang sa tabi ni Chanyeol bago nagtanong. "What brings you here?"
"Double date tayo!" masayang sabi ng binata. Pagkatapos ay tinawag nito ang isang waiter at nagrequest ng mas malaking table. Agad namang tumalima ang waiter at giniya sila sa isang table na kasya hanggang walong tao.
Inakbayan siya ni Chanyeol at pinaupo din sa bagong table. Pagkatapos ay pinaghila nito si Liza ng upuan at naupo sa tabi ng dalaga. Nasa harap naman ng dalawa sina Chan Lien at Hannah habang si D.O ang nakaupo sa kabisera.
"Gagawin niyo talaga akong fourth wheel?" unamused na tanong niya.
"Bro, hindi sa ganun," depensa ni Chanyeol. "The more the merrier! Kung gusto mo tawagan mo si Nana para sabayan tayo."
BINABASA MO ANG
Coveted (EfEP #2)
Misteri / ThrillerNew life, new job, new duties. Adjusting to new responsibilities may be easy but the cloaked figure is back and he ensures them that life won't be easy with him added in the picture. Love over friendship and family? Yeah, these things can be messy...