Chapter 11: Sweet Winter

46 7 6
                                    

Chapter 11: Sweet Winter

"Ilang palit mo na 'yan ng damit, at yun na yun din ang sagot ko, Lady Liza. Bagay sa'yo. Maganda ka na," sabi ng mayordama nilang si Miss He. Ito na ang mayordoma nila since three years old siya, kaya close siya dito.

"Miss He, naa-appreciate ko po ang sinasabi niyo. Pero hindi ko talaga mahanap ang damit na masasabi kong perfect para sa araw na 'to," sabi ni Liza habang iniisa-isa ang damit sa wardrobe niya. Halos kalahati ng damit niya ay nasa kama na niya. Yun ang mga hindi niya gusto.

Hanggang sa tatlong pares nalang ang natira at nakita niya rin ang dapat suotin. Isang peach-colored sleeveless dress na may white baby collar sa unahan, above the knee ang haba nito. Naglagay lang siya ng headband at maliit na diamond earrings at kinulot ang buhok. Light din ang make-up niya, pink lipstick at manipis na eyeliner at mascara. Nagsuot siya ng white gold bracelet at cream-colored pumps.

Humarap siya kay Miss He noong matapos na siyang mag-ayos. "Okay na ba, Miss He?"

"Iba sa palagi mong ayos, pero bagay sa'yo. Kung ako ang tatanungin, mas gusto kong ganyan palagi ang ayos mo, Lady Liza... hindi yung mga dark mong damit at make-up."

Ngumiti lang siya at kinuha ang clutch at naglagay ng puting cashmere coat. Saka siya nagpahatid sa teleporter ng kanilang pamilya papuntang Francois Restaurant.

**

Pabalik-balik ng lakad ang kabadong si Chanyeol sa Francois Restaurant. Lunch time na kasi at hindi parin dumadating si Liza.

"Maupo ka muna, Chanyeol. Nahihilo ako sa'yo," reklamo ni Caressa.

Thirty minutes na mula ng dumating si Chanyeol sa restaurant at pinaayos niya na rin bago siya dumating ang private dining area kung saan sila kakain. Tinawagan niya na si Caressa noong sumapit ang lunch time. Agad naman itong dumating kasama si Kai.

"Relax, Chanyeol. Ten minutes palang naman siyang late. Baka natraffic," sabi ng kaibigan.

Kumunot ang noo ni Caressa sa sinabi ni Kai. "Imposibleng magkatraffic dito."

"E 'di natagalang magpaganda."

"Baka ganun na nga," sang-ayon ni Caressa. "Ikaw nga rin, nagprepare ka rin ng sarili mo para ngayon."

Natigil na sa paglakad si Chanyeol at unti-unting ngumiti. Nakataas ang silvery blonde na buhok niya ngayon at nakasuot siya ng black three-piece suit na nakafold ang manggas hanggang siko.

"Ngayon lang 'to, Chanyeol. Sige, mas gwapo ka na sa'kin. At sisiputin ka nun kaya 'wag ka nang mag-alala dyan," sabi ni Kai.

"Kim Jong In, matagal ko ng alam na mas gwapo ako sa'yo. Pero salamat parin."

"Ang hangin mo din talaga. Ma-turn off sana sa'yo si Liza."

Inawat na ni Caressa ang dalawa. "Enough. Kung palakihan lang naman ng ego, tie na kayong dalawa."

Mayamaya lang ay may kumatok sa pinto kaya natigilan silang lahat. "Lady Cai is here," pag-aannounce ng waiter.

"Good luck!" sabi ng dalawa na parehong nakangiti bago nagteleport paalis.

Coveted (EfEP #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon