Chapter 3: Girlfriend

77 10 10
                                    

Chapter 3: Girlfriend

"Good morning, Your Majesties." Tumayo si Pearl at nakangiting binati sina Kris at Hani na tanging hinihintay na lang nila para magsimula. Sinadya niyang tagalan ang titig kay Kris noong nakaupo na silang lahat.

Agad na tumingin sa kaniya si Hani at sinabihan siyang magsimula na sa gagawin niyang report. Hindi parin inaalis ang tingin kay Kris at sa harap ng bagong Royal Council ay nagsimula na siyang magreport ng findings.

"Gaya rin ng napag-alaman ko dati kay Minra, nakacloak parin yung umatake sa biktima kaya hindi ko parin makita ang mukha niya. Katulad ng dati, nadrain parin ang biktima ng kapangyarihan niya. Ang pagkakaiba nga lang..." Sadyang binitin niya ang mga sinasabi.

"Ano?" tanong ni Kris na halos magdikit na ang mga kilay sa kaseryosohan.

Pero gwapo pa rin, naisip niya. Hinintay niyang magtama ang mga mata nila ni Kris bago siya nagpatuloy. "Dalawa na ngayon ang cloaked figure."

"So hindi nga siya nagsisinungaling," sabi ni Luhan.

"Eh paano yung sinabi ng biktima na si Nami ang isa sa cloaked figure. Nakita mo ba?" tanong pa ni Kris.

Nasisiyahan siya at nakatuon ngayon ang buong atensyon ni Kris sa kaniya. Napangiti siya. "Hindi po, Your Majesty. Nakita ko lang si Nami sa eksena noong dumating siya para tulungan ang biktima, gaya nga ng sabi niya last time."

"Mukhang may nag-set up kay Nami para ilito tayo sa tunay na may sala," seryosong sabi ni D.O.

"Salamat, Marchioness Zhou. I think this is enough for today. We'll discuss new developments next time. At magpaplano na rin tayo kung paano huhulihin ang cloaked figures, at ang timetable kung kailan sila umaatake."

Nagsimula ng tumayo sina Hani at Kris kaya ganun na rin ang ginawa ng lahat. Nagbow ang lahat sa dalawa at pinauna muna silang lumabas bago rin nagsialisan doon.

Napangiti si Pearl. I'll dig my way into your life if I have to... either by hook or by crook. Maghintay ka lang, Hani. Mapapalitan na ang pwesto mo ng mas deserving maging queen, naisip niya bago umalis.

**

"Seryoso?" hindi makapaniwalang tanong ni Anj kay Sehun.

"Oo nga. Bat ayaw mong maniwala?"

"Kasi lahat naman ng bubble tea ay masarap. Anong pinagkaiba nito para maging ganyan kaespesyal?"

"Kasi gawa ko," proud na sabi nito.

"Sige na nga. Siguraduhin mong lasang bubble tea 'yan."

Nauna ng maglakad si Anj. Noong mapansin niyang walang Sehun na nakasunod sa kaniya ay nilingon na niya ito.

"Ano pa ang tinatayu-tayo mo dyan? Sinasayang mo ang oras."

Naglakad na si Sehun palapit dito para sabay na silang magpunta ng teleport station.

Ilang minuto lang ay nandoon na sila sa bahay nina Sehun. Pagkarating nila sa kusina ay nakahanda na ang lahat ng gagamitin. Nagtataka siyang tinignan ni Anj.

"Pinahanda ko na sa mga katulong, 'wag mo akong tignan ng ganyan."

Habang naglalagay ng crushed ice sa blender si Sehun ay hindi maiwasan ni Anj na macurious kung paano itong natutong gumawa ng bubble tea.

"Kanino ka natutong gumawa ng bubble tea?"

"Kay Nana," sagot nito habang nagsusukat ng chocolate powder sa measuring cup.

Coveted (EfEP #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon