Chapter 26: Change of Plans
"Saan ba kasi tayo pupunta? Alam mo namang masyado nang malamig ngayon para lumabas ng matagal," reklamo ni Caressa noong sunduin siya ni Kai mula sa Lee estate.Pinagmasdan nito ang suot niyang beige frilly dress na pinatungan ng puting turtleneck sweater at nilagyan ng belt. Nakasuot din siya ng ankle boots na itim. Nilagay pa nito ang kamay sa baba habang sinusuri ang damit niya.
"'Yan ang sinasabi mo pero nakaporma ka naman ng ganyan."
Kumunot ang noo niya. "Masama bang magsuot ng maganda paminsan-minsan?"
Natawa ang binata. "Hindi naman. Tignan mo nga ang suot ko."
He's wearing plaid shirt topped with black layered topcoat, black jeans and black chukka boots and finished the look with black gloves.
"What's with the black ensemble, kkamjong?"
"What? Uso ang itim 'pag taglamig, baby. Aren't you informed?"
Her cheeks reddened at the endearment. Hindi siya nakapagsalita at sa halip ay piningot na lang ang ilong nito.
"You look beautiful, by the way. Sadly, kailangan mong magpalit ng damit para sa pupuntahan natin."
"Why?"
"We're going sledding."
Nagbuntong hininga siya at nagsimula ng maglakad pabalik ng estate. Nakalimutan din niyang malayo pa ang gate sa mismong mansyon at kung hindi pa siya yayain ni Kai na magteleport ay hindi pa talaga niya maaalala ang distansya.
Nang makapagteleport hanggang foyer ng main house ay agad siyang naglakad papuntang grand staircase dahil nasa taas pa ang kwarto niya.
"Saglit."
Napahinto siya at muli itong hinarap.
"Kumuha ka na lang ng damit na pwede mong ipalit sa suot mo ngayon. Doon ka na lang magpalit sa pupuntahan natin."
"Akala ko ba magse-sledding tayo?"
"Oo nga, pero mamaya ka na magpalit. Hindi ko pa nae-enjoy ang magandang tanawin sa harap ko," sagot nito habang nakahalukipkip.
BINABASA MO ANG
Coveted (EfEP #2)
Misteri / ThrillerNew life, new job, new duties. Adjusting to new responsibilities may be easy but the cloaked figure is back and he ensures them that life won't be easy with him added in the picture. Love over friendship and family? Yeah, these things can be messy...