Chapter 7: Wanted

53 7 5
                                    

Chapter 7: Wanted

Naglalakad ngayon sa hallway ng palasyo sina Anj at Lay papuntang office ng Royal Sorcerers. Initially ay kasama ni Anj si Sehun dahil sinundo siya nito para sabay na silang pumunta ng palasyo. Sa kalagitnaan ng paglalakad ay nakasalubong nila si Lay na papunta rin ng office ng Royal Sorcerers.

Hindi naman nagreklamo si Sehun na sumabay na ito dahil sa office ng Royal Knights naman ang punta niya, at hindi na maihahatid si Anj. Habang nagkukwentuhan ang tatlo ay napadaan si Nana at lumiko sa isang dako, sinundan naman ito ni Sehun kaya naiwang magkasama ang dalawa.

Papaliko na rin sila papunta sa wing kung nasaan ang office ng Royal Sorcerers noong basagin ni Anj ang katahimikan.

"Bakit kaya—" Naputol ang sinasabi niya noong takpan ni Lay ang bibig niya at hilahin siya sa isang column na sapat na para pagtaguan nila.

"Anong—" tanong ni Anj na sinenyasan ni Lay na tumahimik bago nito inalis ang kamay sa bibig niya.

Sabay silang sumilip sa hallway para tignan ang nangyayari. Nakatayo ngayon doon si Nami, at sa harapan niya ay may isang nakacloak na itim.

"'Di ba nakakulong siya?" bulong ni Anj.

"Ang alam ko pinakawalan muna siya pansamantala para hulihin lahat ang mga nakacloak," paliwanag ni Lay sa mahinang boses. "Makakakuha lang siya ng pardon kapag nahuli niya silang lahat."

Kumunot ang noo ni Anj. "Bakit hindi sa'kin sinabi ni Sehun? Kanino mo 'yan nalaman?"

Nagshrug si Lay. "Kay Xiumin. Baka nalimutang sabihin sa'yo ni Sehun."

Pinanuod lang nilang mag-usap ang dalawa. Kahit may konting distansya sila kina Nami ay rinig parin naman nila ang pinag-uusapan ng mga ito.

"Who are you? Tell me!" inis na tanong ni Nami.

"Why would I?" bemused na tanong naman pabalik ng nakacloak.

"You need to tell me because I need to add your name on my collection, you traitor."

Nagcross arms ang nakacloak. Kahit sa liwanag ay hindi parin makita nila Anj ang mukha nito. May mask na itim rin kasi ang bibig at ilong nito, nakababa rin ang hood kaya nagcacast ito ng shadow sa mata kaya hindi nila makita ito. Pati boses nito ay iniba kaya hindi nila makilala. Ang masasabi lang nila ay matangkad ito ng konti kay Nami.

"How touching. I presume you're still his puppet?"

"You—!"

"By the way, why are you still roaming freely in the castle? Aren't you supposed to be in the dungeon?"

"I outsmarted them," proud na sabi ni Nami. Naglabas ito ng black fog sa kamay niya at itinira sa nakacloak.

Agad naman itong nagproduce ng shield kaya nagbounce lang ang black fog ni Nami. "But not smart enough. Do you have any idea regarding Dau's whereabouts?"

"Dau is—"

Tumawa ang nakacloak. "Oops. You mean... was?"

"What did you do to him?" Pinagtitira ito ni Nami ng black fog niya na agad namang nawawala dahil sa shield.

"Don't blame me, I didn't kill him. Or maybe it's my allies who killed him because he's a nuisance like you?"

Lalong nagalit si Nami at naglabas na ng hellhound niya. Sa isang kumpas lang niya ay nagbuga ito ng panibagong black fog. Unti-unting nawawalan ng kulay ang mga bagay sa hallway.

Coveted (EfEP #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon