Chapter 4: The Art of Skinship

77 8 8
                                    

Chapter 4: The Art of Skinship

"Ano? Bagay ba?" nakangiting tanong ni Baekhyun habang palabas sila ngayon ng salon.

"Oo," sagot ni Minra. "Pero hindi ka na cute."

Dahil may okasyon next week ay nagpalit na ng hairstyle si Baekhyun. Darkest shade of blonde na almost brown na ang buhok niya ngayon, medyo messy rin ang bangs niya na bumagay naman sa kaniya. Nagpasama siya kay Minra na nagpatrim rin ng buhok at pinakulot ang dulo nito.

"So gwapo na ako?"

"Hindi rin."

"Eh ano?" pangungulit parin ni Baekhyun.

Umiwas ng tingin si Minra. "You look different. You look..."

"I look...?" usisa parin ni Baekhyun na pilit hinuhuli ang mata ng kasama na pagala-gala na ng tingin.

More attractive. Huminga ito ng malalim. Hindi niya talaga kayang sabihin. "Nevermind. Tara na."

Nauna ng maglakad si Minra nang hindi nililingon si Baekhyun. Habang tumatagal kasi, mas bumabagay kay Baekhyun ang bago nitong hairstyle. Ganun rin kasi ang hairstyle nito noong unang beses niya itong nakita, kaya niya unang napansin ito.

Parang gusto niyang mas guluhin lalo ang medyo disheveled na hairstyle nito ngayon. Nagiging weakness na ata niya ang bagong look nito.

No. Huminahon ka. Tigilan mo ang naiisip mo, adik, saway niya sa sarili.

"Min naman! Minra! Hoy!" tawag ni Baekhyun, pero hindi niya parin ito nililingon.

Tama 'yan. 'Wag mong lilingunin para free of temptation, naisip niya.

"Ano bang problema mo? Bat bigla ka nalang hindi namamansin?"

Naglakad ulit siya hanggang sa makarating siya sa gitna ng mall kung saan may malaking cherub na fountain. Huminto siya ng saglit at saka naghagis ng barya doon sa fountain. Marami ng iba't ibang coins doon; sikat kasi ito dahil pinaniniwalaang suswertihin sa love life ang maghahagis ng coin dito.

"Bakit ka pa naghagis ng barya dyan? Nandito naman ako."

Paglingon niya ay nakatayo na sa harap niya si Baekhyun. Naabutan na pala siya nito.

"Ayaw mo na ba sa'kin kaya naghagis ka ng barya dyan? Naghahanap ka na ba ng kapalit ko?" nagtatampong tanong nito.

Natawa si Minra. "Hindi. Ang cute mo na naman, Baek. Paano mo nagagawa 'yan?"

"Ang alin?" nagtatakang tanong nito.

"One minute, ang cute mo. Tapos bigla kang nagiging mas gwapo."

"Are you saying I look sexy with this hair?"

Wala. Nasabi ko na. "Oo na. Grabe rin ang kumpyansa mo sa sarili, eh."

"Lapit ka," biglang utos nito.

"Bakit?"

Hindi sumagot si Baekhyun. Hinila nalang niya si Minra paupo katabi niya. Pwede kasing upuan yung boundary ng fountain sa gilid. Nang makaupo silang dalawa ay biglang humiga si Baekhyun sa lap nito.

"Inaantok ako. Haplusin mo nga ang buhok ko para makatulog ako." At pinikit na nito ang mga mata.

Ginawa nga ni Minra ang gusto nito... na pabor rin naman sa kaniya. Hinaplos niya ang malambot na buhok nito. Habang patuloy sa paghaplos ng buhok nito ay napansin naman niya ang maliit na nunal sa gilid ng labi nito.

Lalapitan na sana niya ito para matignan iyong maigi nang bigla namang nilapit ni Baekhyun ang mukha nito sa kaniya. Dahil sa reflex ay naitulak ito ni Minra, dahilan para mahulog ito at mabasa sa tubig ng fountain.

Coveted (EfEP #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon