Chapter 23: Naw and Chwe (Part 2)
Once Shani's all set, the two of them went back to the room where the others are waiting."I found nothing, Your Highness," imporma nito habang nakatingin kay Luhan.
"Thank you. Thank you also, Duchess Song. You may go now," pagdidismiss ni Kris. "Escort her back, please," dagdag pa nito sa lady knight.
"One down, one more to go," sabi ni Luhan.
"I knew she couldn't be their member," sabi ni Xiumin. "She looks like she couldn't hurt a fly."
Natawa si Suho. "Your girl also looks like she couldn't hurt a fly but she was a famous bully in her school."
"Looks can be deceiving. Speaking of which, are we going to summon Minra here now?"
"We'll do it tomorrow. I still have to check on something," sagot ni Kris.
**
"Sabay tayong maglunch mamaya?" tanong ni Baekhyun kay Minra nang makalapit sa desk nito.
Abala parin ito sa mga papeles at ginugulo na ang buhok sa inis. Nakaramdam naman siya ng awa dito. Nasstress na ito masyado ngayon.
"Bakit ba hindi kayo maubos-ubos?" reklamo nito.
"Jongdae, that bastard..." bulong niya.
Napatingin ito sa kaniya mula sa pagkakaub-ob ng ulo sa lamesa. "Ano?"
"Chen sneakily added his workload on top of yours earlier."
Akmang tatayo na ito noong pigilan niya. "Chill. Tulungan nalang kita, tapos naman na ako nung sa'kin."
Ilang oras din ang ginugol nila hanggang sa maubos ang mga gawaing nakatambak sa desk. Palabas na sana ang dalawa ng Sorcerers noong mapansin ni Baekhyun ang hitsura ng kasama.
"Bad hair day?" biro niya.
Bumuntong-hininga ito at sinimulang ayusin ang buhok. Hinawakan niya ang kamay nito para pahintuin sa ginagawa. Lumapit siya dito at siya na mismo ang nag-ayos ng magulo nitong buhok.
"Wala ka sa mood ngayon?" tanong niya habang nagkakalkal sa bag nito.
"Anong ginagawa mo?"
Ngumiti lang siya dito nang mahanap na ang kailangan. Pinatalikod niya lang ito at pinusod ang kalahati ng buhok nito at iniwang nakalugay lang ang kalahati. Nang pinaharap niya ito ay pansin niyang nakataas ang kilay nito.
"How did you learn that? Am I going to question your sexuality now?"
Tuluyan na siyang natawa sabay pisil ng pisngi nito. "Silly. Nakikita ko lang 'to kay mama dati. This is the first time I styled a girl's hair, you should be honored."
"Consider me honored, Your Highness."
"Eh bakit hindi ka parin nakangiti? May problema ka ba?"
Nagpatuloy na sila sa paglalakad hanggang sa makarating sila ng teleport station. Sinabi ni Baekhyun ang destinasyon nila at ilang segundo lang ay nakarating na sila dito.
"Just not in the mood."
"This is the first time I've seen you like this," sabi niya at hinawakan ito sa kamay habang papasok sa restaurant na napili niya.
"You'll discover more about me soon," simpleng sagot nito.
Pumwesto ang dalawa sa table sa tabi ng bintana kung saan kitang-kita ang mga taong dumaraan pati na ang patuloy na pagpatak ng nyebe sa pavement.
BINABASA MO ANG
Coveted (EfEP #2)
Mystery / ThrillerNew life, new job, new duties. Adjusting to new responsibilities may be easy but the cloaked figure is back and he ensures them that life won't be easy with him added in the picture. Love over friendship and family? Yeah, these things can be messy...