Chapter 9: Codename: War

50 7 4
                                    

Chapter 9: Codename: War

Sumapit ang Lunes at maagang nagpunta ng office ni Kris si Nami. Hindi na siya nag-abala pang kumatok sa pintuan nito at basta na lang nilagpasan ang knights na nakastation sa labas ng office. Agad naman siyang hinarang ng mga ito, pero nahawakan na niya ang doorknob at binuksan ang pinto.

Dire-diretso siyang naglakad palapit sa hari na abalang makipag-usap kina Suho at Luhan. Nakabuntot parin sa kaniya ang mga knights noong mag-angat ng tingin si Luhan at nakita siya. Ganun din ang ginawa ni Suho, kaya napatingin na rin si Kris sa pinagmamasdan ng mga ito.

Nagbow ang dalawang knights at nagsalita ang isa sa kanila. "Nagpumilit po kasi siyang tumuloy dito, Your—"

Tinaas lang ni Suho ang kamay para pahintuin ito at saka dinismiss ang dalawa. "Kami na ang bahala."

Nang makalabas na ang mga knights ay hindi na nagpatumpik-tumpik si Suho sa pagtatanong. "Anong kailangan mo?"

"Isang buwan na pagpostpone sa execution order ko," simpleng sagot ni Nami.

"What?" bored na tanong ni Kris.

"Alam ko na kung sino ang isa sa kanila."

"Seriously? Paano mo naman nasabing siya?" sabat ni Luhan. Tinignan niya sina Kris at Suho na parang humihingi ng tawad dahil sa pagsabat niya... at sa pagbasa ng naiisip ni Nami.

"So... sino?" tanong ni Suho.

Ngumiti si Nami na hindi nagustuhan ng tatlo.

**

Nakakaupo palang ni Chan Lien sa kaniyang desk dahil kakarating niya lang sa palasyo noong may kumatok mula sa pinto.

"Come in," sagot niya habang nakatuon ang paningin sa mga bagong paperworks sa lamesa.

"Your Majesty," bati niya noong pumasok si Kris kasama sina Luhan, Suho at Nami. May mga knights rin itong kasabay na hindi na niya ipinagtaka dahil iyon ay para naman sa seguridad nito.

Lumapit sa kaniya si Suho at naglabas ng isang letter. "Park Chan Lien, the monarchy is informed of your crimes as one of the cloaked figures that are revolting against the palace. We are requesting you to come with us to settle this case. However, you have the right to remain silent as to not further incriminate yourself."

Pagkatapos basahin ni Suho ang sulat ay magtatanong sana si Chan Lien. Pero mas pinili nalang niya na sumama sa mga ito ng tahimik palabas ng kaniyang office.

"Bakit hindi niyo siya tinali or something?" usisa ni Nami. Medyo unfair kasi para sa kaniya na kahit inaaresto na si Chan Lien ay may special treatment parin itong nakukuha.

"Kasi kusa siyang sumama," sagot ni Luhan.

Nang makabalik sila sa office ni Kris ay pinalabas na nila ng silid ang mga knights. Natira nalang sa room ang lima.

"Bakit nasama na ako sa list of suspects niyo?" agad na tanong ni Chan Lien.

"Simple," sagot ni Nami. "Kahit nandun ka naman palagi sa paligid kahit inaatake na ng mga kasama mo ang palasyo, hindi parin ako tumigil sa paghihinala sa'yo. Somehow ay hindi ka active sa operation... ikaw ang nagsisilbing lookout. Nung wedding pati musical day, ikaw ang emcee, wala namang kahina-hinala dun, right? Pero nung musical day, sinundan kita. Papunta ka na nun sa, I believe, yung headquarters niyo."

Naglabas ng itim na usok si Nami at mayamaya ay may narinig silang mga boses mula dito.

"To say that the king is furious is an underestimation. He is seething in rage right now..."

Coveted (EfEP #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon